Dumaong ang international cruise ship na MV NORWEGIAN SPIRIT sa unang pagkakataon sa Manila South Harbor ngayong ika-26 ng Disyembre taong 2024.
Lulan nito ang tinatayang dalawang libong pasahero at 892 na mga crew nito para sa 14-day tour sa Asia.
Ang MV NORWEGIAN SPIRIT na isang Leo-class cruise Ship ng Norwegian Cruise Line (NCL) na ginawa noong 1998 ng Meyer Werft sa Papenbirg, Germany ay dating "SuperStar Leo" at unang sister ship ng MV Resort World o dating Super Star Virgo. Ito ay may taglay na bjgat na 75,904 Gross Registered Tonnage (GRT), Length Over-All (LOA) o haba na 237.48 metro, Beam na 32 metro at Draft na 8.4 metro. May kapasidad din ito na kayang magdala ng hanggang 2,018 na pasahero.
Samantala, sa pagbisita sa Manila South Harbor ng MV NORWEGIAN SPIRIT, malugod itong sinalubong ng Philippine Ports Authority (PPA), PMO NCR-South sa pangunguna ni Port Manager Catherine R. Esto.
Habang nakadaong ang naturang cruise ship sa Pier 15, Manila South Harbor, ang mga pasahero ay may pagkakataong maglibot sa lungsod ng Maynila upang masilayan ang mga makasaysayang lugar nito katulad ng Intramuros, Fort Santiago at Luneta Park, gayundin sa magagandang tanawin sa Tagaytay City. Nagtalaga naman ng 15 bus para sa kanilang pamamasyal.
Manananatili lamang ang naturang cruise ship sa Manila South Harbor hanggang alas-otso ng gabi at patuloy na maglalayag patungo sa susunod nitong destinasyon sa Coron, Palawan.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
#PPA
#PhilippinePortsAuthority
#PhPorts
#BagongPilipinas
“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=126032.0