Message: Mahal kong anak,



??Sa aking pagtanda, unawain
mo sana ako at
pagpasensiyahan.
? ? ? ? ? ?Kapag dala ng kalabuan ng
mata ay nakabasag ako ng
pinggan
? ? ? ? ? ?o nakatapon ng sabaw sa
hapag kainan, huwag mo sana
akong
kagagalitan.
? ? ? ? ? ?Maramdamin ang isang
matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing
sinisigawan mo ako.
? ? ? ? ? ?Kapag mahina na ang tenga
ko at hindi ko maintindihan
? ? ? ? ?
?ang sinasabi mo, huwag mo naman sana
akong sabihan
? ? ? ? ? ?ng "binge!" paki-ulit
nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang.
? ? ? ? ? ?Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako.
? ? ? ? ? ?Kapag mahina na ang tuhod
ko, pagtiyagaan mo sana
akong
? ? ? ? ? ?tulungang tumayo, katulad
ng pag-aalalay ko sa iyo
? ? ? ? ? ?noong nag-aaral ka pa
lamang lumakad.
? ? ? ? ? ?Pagpasensyahan mo sana ako
kung ako man ay
? ? ? ? ? ?nagiging makulit at paulit-
ulit na parang sirang
plaka.
? ? ? ? ?
?Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag
mo sana akong
? ? ? ? ? ? Pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.
? ? ? ? ? ?Natatandaan mo anak noong
bata ka pa?
? ? ? ? ? ?kapag gusto mo ng lobo,
paulit-ulit mo 'yong
sasabihin,
? ? ? ? ? ?maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto
mo.
? ? ? ? ? ?Pinagtyagaan ko ang
kakulitan mo.
? ? ? ? ? ?Pagpasensyahan mo na rin
sana ang aking amoy. Amoy
matanda,
amoy lupa.
? ? ? ? ? ?Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na
ang
katawan ko.
? ? ? ? ? ?Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana
akong
pandirihan.
? ? ? ? ? ?Natatandaan mo noong bata
ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin
? ? ? ? ? ? Sa ilalim ng kama kapag
ayaw mong maligo.
? ? ? ? ? ?Pagpasensyahan mo sana kung
madalas, ako'y masungit,
? ? ? ? ? ? Dala na marahil ito ng
katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan
mo rin.
? ? ? ? ? ?Kapag may konti kang
panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit
sandali lang.
? ? ?
? ? ?Inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang
kausap.
? ? ? ? ? ?Alam kong busy ka sa
trabaho, subalit nais kong
malaman mo na
sabik na sabik
? ? ? ? ? ? Na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka
interesado
sa mga kwento ko.
? ? ? ? ? ?Natatandaan mo anak, noong
bata ka pa?
? ? ? ? ? ?Pinagtyagaan kong pakinggan
at intindihin
? ? ? ? ? ?ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy
bear.
? ? ? ? ? ?At kapag dumating ang
sandali na ako'y magkakasakit
? ? ?
? ? ?at maratay sa banig ng karamdaman,
? ? ? ? ? ?huwag mo sana akong
pagsawaang alagaan.
? ? ? ? ? ?Pagpasensyahan mo na sana
kung ako man ay maihi o
madumi sa
higaan,
? ? ? ? ? ?Pagtyagaan mo sana akong
alagaan sa mga huling sandali
ng aking
buhay.
? ? ? ? ? ?Tutal hindi na naman ako
magtatagal.
? ? ? ? ? ?Kapag dumating ang sandali
ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana
ang aking kamay
? ? ? ? ? ?At bigyan mo ako ng lakas
ng loob na harapin ang
kamatayan.
? ? ?
? ? ?At huwag kang mag-alala, kapag
kaharap ko na ang Diyos
na lumikha,
? ? ? ? ? ?ibubulong ko sa kanya na
pagpalain ka sana ....
? ? ? ? ? ?Dahil naging mapagmahal ka
sa iyong ama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag,
Bulacan
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=6828.0