Carina: Lola, hindi po ba siya nalilito?
Lola Loleng: Sino?
Carina: Ang Diyos po.
Lola Loleng: Nalilito saan?
Carina: 'Pag sabay-sabay pong nagdarasal ang mga tao tapos iba-iba pa po ang hinihingi natin. Lahat po ba tayo naririnig niya?
Lola Loleng: Kahit yung 'di binibigkas ng ating bibig at yung mga lihim na dinadaing ng ating mga puso. Naririnig niya yun. Kunwari ikaw, alam ko paglabas natin sa simbahan mamaya, diba gusto mo ibili kita ng lobo? Hindi ba?
Carina: Po? Paano n'yo po nalaman?
Lola Loleng: Kasi mahal kita eh. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko kung anong makapagpapasaya sayo. Ganyan din ang Diyos. Alam niya kung ano ang makapagpapasaya sa atin. Dahil mahal niya tayo.
Carina: Kahit ano pong hilingin ko sa kanya, ibibigay niya sa akin?
Lola Loleng: Kung ito ay makakabuti sayo. Pero kung hindi, bakit niya ibibigay? Alam mo kung minsan dahil sobra tayong apurado, akala natin binabalewala niya tayo pero ang totoo, naghihintay lamang siya ng tamang panahon.
* * *
Affordable Wordpress website host at
www.greengeeks.com Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123907.0