Best Wordpress Web Hosting Company 2021

Author Topic: Walang Paa Ngunit Puno ng Pag-asa  (Read 730 times)

admin

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 28973
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • RSS Feeds
Walang Paa Ngunit Puno ng Pag-asa
« on: February 05, 2021, 10:42:09 pm »
WALANG PAA NGUNIT PUNO NG PAG-ASA
From the FB page of Governor Nancy Catamco

PUNO ng kasiyahan ang buong pamilya ni Aiza Tamba Marco ng Sitio Martinez, Birada, Kidapawan City nang surpresa syang bisitahin ngayong araw ni Governor Nancy Catamco.

Si Aiza, 16 taong gulang ay ika-pitong anak ng mag asawang Leonardo at Lilibeth Marco. Isinilang sya na walang mga paa, at iisa lamang ang kamay o "Congenital limb defect"

Naghatid ng galak kay Governor Nancy ang positibong pananaw ni Aiza. "Minsan sa buhay, nahaharap tayo sa sitwayon  at kabilang itong merun ka ngayon Aiza.  Salamat nagiging inspirasyon ka sa maraming tao, " sabi ng Gobernador.

Dinagdag pa ni Gov. Nancy na mas mahalaga kung ano ang nasa puso, at ang positibong pananaw ni Aiza. "Talo tayo kung maging negatibo ang tingin natin sa buhay. Hindi lang physical ang kagandahan ng isang tao, nasusukat ito sa laman ng kanyang puso,"

Nagdala ng wheelchair para kay Aiza si Gov. Nancy kasama si Board Member Philbert Malaluan. Sya ay nadiskobre sa tulong ng kanyang kapatid na si Princess Bella Marco na nakausap ng Gobernador. Sumama rin sa pagbisita si Brgy. Kagawad Dodong Baclado.

Ipinagmalaki ni Aiza ang kanyang sariling awit at kanyang ipinarinig sa Gobernador: (Narito ang bahagi ng Lyrics ng awit)

       Ako ay isinilang na may kapansanan       
       Akoy walang paa at isa lang ang kamay ko
       Akoy nagtatanong bakit ako nagkaganon
       Sa dami ng tao bakit ako ang nagkaganito
       
      Minsan sa buhay ko, nawawalan ng pag asa
      At ninanais na pumanaw sa mundo
      Ngunit kalaunan ay aking naintindihan
      Ang aking kalagayan mayroon palang     
       kadahilanan
       
       Minamahal ng Diyos lahat ng mga
       kapansanan
       Pag ibig nyay wagas sa  isang katulad ko
       Buhay koy makulay, binigyan nya ng sigla
       Akoy walang paa, ngunit may pag asa

Nag-aaral si Aiza sa Mua-an Integrated High School at labis ang pasasalamat nya sa sakripisyo ng kanyang mga magulang at kapatid na sina : Jor-el , Jeriel, Jecker, Gracebel, Graziel, Jamesvann. Sila ang kaagapay ni Aiza sa mga hamon na kanyang hinarap. Nagpasalamat din ito sa suporta ng mga guro sa paaralan.

Tiniyak ni Gov Nancy na mapabilang si Aiza sa Scholar ng kanyang tanggapan upang mabuo ang pangarap nitong makapagtapos ng kolehiyo. Magiging prayoridad rin sila  programang pabahay ng Gobernador.|| Birada, Kidapawan City (February 5, 2021)

#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#KuyogTa
#dumaki


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.bluehost.com - FREE website transfer..

Latest Tubag Bohol Topics



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120324.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 www.dreamhost.com - Build your online web presence. Free website transfer and use of one-click Wordpress blog installation. Visit www.dreamhost.com

Guide: Sitemap

Fastest Web Hosting Server Provider

Tags:
 

Website Counter