Best Top WordPress Blog Website Hosting

World Food Atlas

  • 0 replies
  • 186 views
*

caretaker

  • *****
  • 28324
  • click buttons for social media share
World Food Atlas
« on: October 20, 2020, 08:51:45 AM »
Ang TasteAtlas (www.tasteatlas.com), isang world food atlas, ay naglathala ng listahan ng 100 pinakamahusay na tradisyunal na pagkain sa buong mundo para sa taong 2020.

Nanguna sa botohan bilang pinakakilalang tradisyunal na pagkain ang Pizza Margherita na nagmula sa Napoli, Italy. Pumangalawa naman ang Turkish Adana Kebab na sinundan ng Japanese Ramen at Peruvian Lomo Saltado.

Tatlong putahe na gawang Pinoy ang pasok sa listahan: Lechon, Kare-Kare, at Crispy Pata. Maaaring ma-access ang isang listahan ng lahat ng mga pagkaing Pilipino dito: www.tasteatlas.com/philippines

Naglalalaman ang TasteAtlas ng database ng higit 10,000 na tradisyunal at lokal na produktong pagkain. Ang pagraranggo ay ibinatay sa 63,402 valid user ratings.

Ito ang link para kabuuang listahan: www.tasteatlas.com/best

Pinakakilalang tradisyonal na lugar kainan

Ang Pizza Napoletana at L’Antica Pizzeria da Michele (Naples, Italy) ay ibinoto bilang pinaka-iconic na kainan sa buong mundo.  Pumangalawa naman ang Cheeseburger in the restaurant Emily (New York City, USA), at pumangatlo ang Hummus in Hummus Abu Hassan (Tel Aviv, Israel).

Kabuuang listahan ng 100 iconic at tradisyonal na kainan na nanatiling kilala at mahusay sa higit isang siglo: www.tasteatlas.com/best/restaurants

Pinakakilalang pagkain batay sa kategorya

Best traditional cuisine - Italian
Best traditional food region - Emilia-Romagna (Italy)
Best city for traditional food - Paris (France)
Best cheese - Brillat-Savarin (France)
Best dessert - Chocotorta (Argentina)

Lahat ng kategorya at limang pinakakilalang pagkain sa bawat bansa: www.tasteatlas.com/best

Kung nangangailangan ng anumang karagdagang impormasyon, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan. Maaaring i-download ang world map ng best dishes sa link na ito (www.tasteatlas.com/best/press-kit) at gamitin ito para sa isang artikulo, pati na rin ang anumang screenshot mula sa TasteAtlas.

Pagbati,

Sven Miyic
www.tasteatlas.com
I'm here for journalists :)


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.

Latest RSS Feeds



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116371.msg687781#msg687781
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

👉👉 www.dreamhost.com - Build your online web presence. Free website transfer and use of one-click Wordpress blog installation. Visit www.dreamhost.com

 

Truly powered by blazingly fast Servers, Windows 2012 OS & Latest ASP.Net tools