Aminado ang Asia’s song bird na si Regine Velazquez na hindi na siya bata kaya naman biyayang maituturing sa kanya kung magkaanak na sila ng kanyang boyfriend na si Ogie Alcasid.

Sa interview ni Lhar Santiago para sa Chika Minute ng 24 Oras, sinabi ni Regine na dapat maging conscious ang mga babae sa kanilang biological clock lalo ngayong sila ay nagkakaedad.
At nang tanungin si Regine kung nagpatingin na ba siya sa duktor, ito ang sagot niya: “I already did. Kasi kailangan naman naming mga babae na kahit na hindi mo balak magbuntis kailangan pa ring magpatingin sa doktor."
Masaya rin ang singer-actress-host dahil marami ang nakakaunawa at nasisiyahan sa kanyang pagnanais na magkasupling.
“Nagpapasalamat din ako kasi maraming tao ang nakakaintindi. Kasi alam din naman siguro nila na yun… matanda na rin naman ako...nasa right age na rin naman ako," kwento niya. “Actually medyo delayed na rin ako ng konti. (Kaya) kung mangyari man yun (pagbubuntis) it will be a blessing."
Magdiriwang ng kanyang kaarawan si Regine sa Abril 22 at nararamdaman nya na may sorpresang ibibigay sa kanya ang kanyang pamilya at kasintahang si Ogie.
Ipinagmamalaki rin ni Regine ang kanyang birthday special na ipapalabas sa GMA 7 sa Abril 27 kung saan masisilip ng kanyang mga tagahanga ang kanyang bahay.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=11895.0