NAG-CELEBRATE si Ogie Alcasid ng kanyang 42nd birthday just recently at niregaluhan siya ni Re- gine Velasquez ng bagong recording equipment para sa kanyang home recording studio.
“Si Regine mismo ang nag-isip nito dahil alam ni-yang ito ang kailangan ko. At para tama ang nabili ni-ya, ako na mismo ang nag-order. Wala pa nga ‘yong delivery hanggang ngayon kasi i-import pa ‘yon sa ibang bansa. Bukod dito, we just had a romatic weekend sa Tagaytay na kaming da-lawa lang,â€kuwento ni Ogie.
Nag-celebrate din ng 7th birthday si Angelina (alter-ego ni Ogie)) nitong Sept. 1 sa Gerry’s Grill Morato. Dumating ang kanyang proud ‘parents’ na sina Mommy at Daddy Arespacochaga (Aiko Melendez and Jomari Yllana) with mat-ching Yaya (Michael V). Da-hil isang children’s party ’yon, nagkaroon ng parlor games para sa mga press na dumalo. Finally ay ipapalabas na ang pelikulang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie sa Sept. 23. At dito na mare-reveal kung saan galing si Yaya at ano ba tala-ga ang pangalan niya.
“Minsan ay napagdu-dudahan na akong bading talaga ni Regine dahil maski sa Celebrity Duets ay ma-dalas kong landiin si Akihiro Sato. Eh, wala akong magagawa kasi it’s fun to do at natatawa ang mga tao kung nagbabading-badingan ako,†pahayag ni Ogie tung-kol sa pagganap niyang ba-ding sa TV at pelikula. - Tonee Coraza, Journal
Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=22277.0