Pagtanggi ni Venus Raj sa ‘topless Miss U’ sinuportahan sa Kongreso
(Bernard Taguinod)
Suportado ng Kongreso ang desisyon ni Miss Universe Philippines candidate Venus Raj na huwag mag-topless sa pictorial kasabay ng pagpapa-body paint ng mga kandidata sa Miss Universe 2010 sa Las Vegas, Nevada.
“Sinusuportahan namin siya sa kanyang desisyon na pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan,†pahaÂyag ni Akbayan partylist Rep. Evelyn ‘Kaka’ Bag-ao kaya dapat umanong ipagmalaki ng mga Filipino si Raj.
Ayon kay Bag-ao, wala siyang nakikitang dahilan para paghubarin at pintahan ang mga kandidata sa nasabing patimpalak dahil ang pinaglalabanan sa Miss Universe ay talino at hindi lamang kagandahan ng mga kababaihan.
“Exploiting women was never acceptable to all. Ang understanding natin sa Miss Universe pageant ay platform of women’s talent at hindi i-exploit ang kanilang katawan,†dagdag pa ng lady solon kaya dapat umano itong kondenahin.
Sinabi pa ng lady solon na walang esensya na paghubarin at pintahan ang katawan ng mga kandidata at saka isinalang sa pictorial kung saan kahit pinturado ay para na rin umanong pinaghubad ang mga ito sa harap ng buong mundo.
“Walang aesthetic value ang ginawa nila sa mga kandidata. And that is simple exploitation that should not be toÂlerated,†dagdag pa ni Bag-ao, kaya dapat umanong magprotesta ang mga bansa ng mga kandidatong pinaghubad.
Kabilang sa mga nag-pictorial ng topless na Miss Universe candidates ay sina Miss USA Rima Fakih, Miss Albania Angela Martini, Miss Ireland Rozanna Purcell at Miss Trinidad and Tobago LaToya Woods.
Marami ring mga tumanggi sa pangunguna ni Venus Raj na sinaluduhan ng mambabatas dahil hindi ito pumaÂyag na maabuso ang kanyang pagkatao bilang isang babae na kumakatawan sa mga Filipina sa nasabing patimpalak.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=31295.0