By Julie Bonifacio, ABS-CBN
Kinunan ng pahayag si Phillip Salvador sa victory party ng “Ang Panday†ng Imus Productions at GMA Films ang tungkol sa pagkikita nila ng anak niyang si Joshua sa Queen of All Media na si Kris Aquino sa huling guesting ng 2009 Metro Manila Film Festival best supporting actor sa “The Buzz.â€
May mga nakakita kasi na teary-eyed si Salvador noong yakapin niya si Joshua sa studio ng “The Buzz.â€
Pero tumangging sabihin ni Salvador kung ano exactly ang naramdaman niya noong yakapin nya si Joshua.
“Kung anuman ‘yon sa aming mag-ama na lang ‘yon. Okay, I don’t want it to be publicized. Whatever I have with my son, it’s my intimacy with him,†sabi ni Ipe.
Ano ang gift niya kay Josh last Christmas? “Wala akong nairegalo kay Josh. I don’t want to be a hypocrite. Ang tanging na-iregalo ko sa kanya this Christmas is my hug and to tell him that I love him so much.â€
Tumanggi naman si Salvador na sagutin ang tanong kung payag siya if ever ampunin ng mister ni Kris na si James Yap si Joshua.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=24592.0