By Nitz Miralles
Hindi pala dumating si Piolo Pascual sa Manila reception ng wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na ginawa last Saturday sa Le Soufle Resto sa Rockwell.
Hinanap ng invited press ang actor para sana hingan ng comment at wishes niya sa mga bagong kasal, pero wala siya.
Siguro naman, may malaking rason si Piolo sa hindi niya pagdating, pero pasasaan ba’t makakausap din siya ng press tungkol sa pag-aasawa ni Judy Ann.
Samantala, mukhang tuluy-tuloy na ang pagiging movie producer ni Piolo dahil isa siya sa producers ng Kimmy Dora ni Eugene Domingo, kung saan, kasama sa cast si Dingdong Dantes. Maganda kung dumating ang araw na kukuning director ni Piolo si Dingdong sa isa sa mga ipo-prodyus niyang pelikula.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=19613.0