By Pinoy History
THE EIGENMANN FAMILY
Si Eddie Mesa o sa totoong buhay ay Eduardo Mesa Eigenmann ay mula sa pamilyang taga Sweden at Germany. Dito sa Maynila pinanganak si Eddie.
Si Eddie ay binansagan noong 'Elvis Presley ng Pilipinas' dahil sa husay nitong kumanta at sumayaw noong dekada 60’s, napangasawa n’ya ang Aktres na si Rosemarie Gil na may lahing kastila at nagkaroon sila ng tatlong anak. Lahat ng anak nila ay sumunod sa kanilang yapak, ito ay sina Michael de Mesa, Mark Gil at Cherie Gil.
Si Michael de Mesa ay ang napang-asawa si Gina Alajar at nagkaroon sila ng tatlong anak na naging mga artista rin, ito ay sina Ryan, Geoffrey at AJ na may mga sari-sarili ng pamilya ngayon.
Si Mark Gil naman ay may kabuuang anim na anak sa apat na babae, isa rito ay si Gabby Eigenmann na Aktor at Singer, Sid Lucero, dating aktres na si Max Eigenmann, at Andi Eigenmann.
Si Andy Eigenmann ay anak ni Mark Gil kay Jacklyn Jose. Anak ni Andi kay Jake Ejercito, si Ellie. Si Jake Ejercito ay anak ng dating pangulong Erap Estrada kay Laarni Enriquez.
Si Leo Matinez ay ang dating kasintahan ni Cherie Gil, may isa silang anak. Hiwalay naman si Cherie sa dati nitong asawa na isang Musician mula sa Israel, ito ay si Rony Rogoff, lahat ng anak ni Cherie Gil ay nasa Amerika.
Ang Pamilya Gil-Eigenmann ang pinakamahusay na pamilya sa larangan ng Showbusiness. Mula sa pag-arte, tropeyo’t karangalan nariyan parin ang buong pamilya, na hindi kaylanman nawala sa Pelikula't telebisyon at patuloy na magiging bahagi ng ating kasaysayan.
* * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122859.0