Press Release
FROM ONLINE GAMER TO COAST GUARD OFFICER
Patunay si first-class cadet (1/c) Genison Basilio ng Bayombong, Nueva Vizcaya na walang imposible sa sinumang pursigido na disiplinahin ang sarili para makamit ang pangarap, gaano man ito kahirap.
Isa si 1/c Basilio sa apat na Philippine Coast Guard (PCG)-sponsored cadets na magtatapos sa United States Coast Guard Academy (USCGA) ngayong araw, ika-19 ng Mayo 2021. #USCGA2021
Pagbalik sa Pilipinas, agad silang sasailalim sa Coast Guard Officer's Course (CGOC) training para maging ganap na PCG commissioned officers.
Kaya naman kung mayroong lubos na nagagalak sa katagumpayang ito ni 1/c Basilio, ito ay ang kanyang mga magulang na sina Commodore Genito Basilio ng PCG District Palawan at Mrs. Evangeline Basilio.
Kwento ni Mrs. Basilio sa Boom Bayombong Radio Program, noon ay nahihirapang tumutok sa pag-aaral si 1/c Basilio dahil sa paglalaro ng online games. Sa kabila nito, hindi siya nagsawang payuhan ang anak, hanggang sa natauhan ito at tuluyang nag-pursige sa pag-aaral.
Kaya naman mensahe ni Mrs. Basilio sa mga kapwa niya ina na mayroong mga anak na ‘online gamer’, patuloy na ipadama ang pagmamahal at tiwala sa mga ito. Mahalaga aniya na suportahan ang mga anak, lalo na sa pagkamit ng kanilang pangarap sa buhay.
#DOTrPH

#CoastGuardPH
#MaritimeSectorWorks
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121223.0