“‘YUNG HATI-HATI KAMI SA IISANG PIRASONG ISDA NA NAKURYENTE NAMIN SA SAPA, ‘YUNG PAGPILA SA POSO PARA MAY IPANGLIGO AT IPANG-INOM, ‘YUNG PAGKAPIT SA BUBONG UPANG DI TANGAYIN NG HANGIN, NARANASAN KO ‘YAN. NANGGALING AKO SA WALA.”
Buong-pusong ibinahagi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang mga hirap at pagsubok na kanyang pinagdaanan, at kung paanong ang mga ito ay kanyang nilagpasan sa pamamagitan ng dedikasyon, determinasyin at hindi pagsuko sa mga hamon at dagok ng buhay.
Ito ay kasabay ng kaniyang pagbibigay pugay kay Mr. Alex Dayrit, ang huwarang driver na nagpamalas ng tunay na “Malasakit” sa ating mga kababayan, sa kabila ng pandemiya, sa pamamagitan ng pag-modify ng seating layout ng kaniyang pampasaherong jeep upang masunod ang proper physical distancing at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng kanyang mga pasahero.
Dahil sa nakakapukaw na inisyatibo na ginawa ni Mr. Dayrit, naalala ni Secretary Tugade, lumaki at nanirahan sa bayan ng Tatalon, kung saan sa kabila ng matinding kahirapan ay pinagpatuloy n’ya ang mangarap at kumilos upang maiangat ang antas ng kaniyang pamumuhay, at kalagayan ng kaniyang pamilya.
Ani Secretary Tugade, tulad ng ginawa ng huwarang tsuper na si Mr. Dayrit, huwag nating hayaan na maging sagabal ang mga pagsubok upang magpursige at makapaghanap-buhay ng marangal upang makamit natin ang ating pangarap.
#DOTrPH

Best Website Host:
www.bluehost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120998.0