𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐈𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍, 𝐖𝐀𝐆𝐈 𝐒𝐀 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐆𝐔𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐈𝐎𝐍𝐒𝐇𝐈𝐏
Nag-uwi ng karangalan ang isang Ilagueño matapos masungkit ang titulong Production Junior Champion sa ginanap na World Handgun Championship kamakailan.
Siya ay si Aeron Lanuza na tubong barangay Naguilian Norte, City of Ilagan, Isabela.
Ang nasabing kompetisyon ay ginanap sa Pattaya, Thailand nitong ika-27 ng Nobyembre hanggang ika-3 ng Disyembre na dinaluhan ng 1,345 na kalahok mula sa 73 na bansa sa buong mundo.
Bukod sa titulong Production Junior Champeon, tinanghal din si Lanuza bilang siyang kampeon sa Production Junior Shoot-off at Production Overall Shoot-off.
Habang nasungkit naman ng kanyang team ang pangalawang pwesto sa Production Team at pangatlong pwesto sa Place sa Production Overall.
Ayon kay Lanuza, malaking karangalan na sa kanya ang maging kinatawan ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon ngunit isang matamis na tagumpay umano na naiuwi ang kampeonato.
Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang buong pamilya, mga sponsors maging ang LGU Ilagan at Provincial Government ng Isabela sa ibinigay nilang suporta sa kanya.
* * *
Affordable Wordpress website host at
www.greengeeks.com Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123723.0