normal_post - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting Author Topic: HuWAG po ITAY........  (Read 1652 times)

bAbY_Blue1974

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 19
  • "Read not to contradict and confute, nor to believ
    • Share Post
xx - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
HuWAG po ITAY........
« on: July 11, 2007, 06:34:39 AM »

 

----------------------------


Huwag Po Itay......................................



Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin  ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon  nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko  pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon .  Narinig kong kumakatok  si Itay sa aking pinto.   Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya  na kailangan daw naming mag-usap at humiling na  papasukin siya.  Binuksan ko ang pinto at siya'y  kagyat na pumasok sa  aking silid.

Laking pagkagulat ko  nang ipinid niya at susian  ang pinto. Hinawakan  ni Itay ang aking mga kamay,   hinaplos-haplos niya  ang aking buhok, ang aking  mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa   aking kilay, sa aking  mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw  ako.

"ITAY, huwag, huwag!  Ako'y inyong anak! Utang na  loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang  aking Itay.  Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko  na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong  makita ang mukha ng aking ama habang  ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo  ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop  ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo!   Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring  nagawa si Inay, hindi rin siya  pinakinggan ni Itay.  Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag  at ipinaubaya ko na lamang  ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng  aking  Itay.

Pagkalipas ng ilang  oras ay tumigil na rin ang  aking  Itay.   Iniharap niya ako sa  salamin ay ganoon na lamang   ang  aking pagkamangha at pagkagulat sa aking  nakita. Magaling naman palang mag-make-up si  Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking  ama. Bakla pala siya.  Labis akong nagalak sa galing at husay ng  aking ama. Naisip ko na  matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong  gumanda ngayon.  Niyakap ko si Itay at pareho  kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na  kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=2601.0

Sigbin II

  • EXPERT
  • ***
  • avatar_219_1352281173 - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
  • Posts: 1971
  • Shadow in Lamanok, Anda
    • Share Post
xx - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
Re: HuWAG po ITAY........
« Reply #1 on: July 11, 2007, 10:46:01 AM »
May pagka-weirdo ka rin ano?   :D
Buno!  Bangko-lamesa, tinidor-kutsara, plato-platito, sud-an, adobo, pahawa ka!

hippieinchains

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 133
  • I didn't do it!
    • Share Post
xx - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
Re: HuWAG po ITAY........
« Reply #2 on: July 13, 2007, 03:56:24 AM »
um.... yeah
Honest, I didn't do it!

Hippie in Chains

slackware

  • LUMINARY
  • ***
  • avatar_95 - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
  • Posts: 4033
  • "Die as a hero or live long enough as a vallain?"
    • Share Post
xx - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
Re: HuWAG po ITAY........
« Reply #3 on: July 13, 2007, 04:00:22 AM »
silahis na itay
"All that is needed for evil to succeed is, that decent human beings doing nothing". (Edmund Burke)

jade

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 38
    • Share Post
xx - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
Re: HuWAG po ITAY........
« Reply #4 on: July 14, 2007, 12:40:57 PM »
Great story! mabuang ko b***t! Puertes nga  tatay, very good nga anak. padayon sa lasya amahan kong b***t! hahahaha....

Happy

  • GURU
  • ****
  • avatar_57 - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
  • Posts: 9572
  • medal1 - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
  • Ang "Bugon" ni ate Bambi
    • Share Post
xx - HuWAG po ITAY........ - Family & Parenting
Re: HuWAG po ITAY........
« Reply #5 on: August 16, 2007, 04:23:21 AM »
Oi, abi nakog unsa na hahaha.. kolokoy amahana,
"There's no perfect life, but we can let God fill it with perfect moments"



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal