by RMN Koronadal, Cotabato
Patay na ng matagpuan na nakabitay sa puno ng acacia ang isang 25 anyos na mister sa labas ng kanilang tahanan sa Purok Maligaya barangay Liberty bayan ng Norala South Cotabato.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakilala ang biktima na si Jay-ar Pantaran Lamgrio mula sa barangay Kolambog Isulan Sultan Kudarat.
Sinabi ni Police chief inspector Jeorge Parcon, chief of police sa interview ng RMN Koronadal na bago ang pangyayari ay nag-away ang biktima at asawa nito dahil sa planong pagtatrabaho ng misis sa ibang bansa.
Laking gulat na lang ng pamilya nang biglang magpakamatay ang mister.
Ayon kay Parcon, tanggap na ng pamilya ng biktima ang nangyari sa kanya habang labis namang pagsisisi at hinagpis ang naramdanan ngayon ng misis na naging dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang mister.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=65904.0