PTV News: Hindi kinukunsinti ng Department of Education (DepEd) ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.
Kaugnay nito, inatasan ni DepEd Sec. Leonor Briones ang Regional Director ng DepEd Central Luzon na agad imbestigahan ang viral Tiktok video ng isang guro na nagsasaad ng potensiyal na aksyon ng pang-aabuso sa mag-aaral at bigyan ng kaukulang parusa.
Pinapaalalahanan ni Briones ang mga guro at non-teaching personnel na palaging ilagay ang kanilang mga salita at kilos, pati ang mga aktibidad sa social media, sa pinakamataas na antas ng etikal at propesiyonal na pamantayan.
Sa pagdiriwang ng National Children’s Month, patuloy na palalakasin ng DepEd ang mga patakaran nito at mga aktibidad sa pagpapalaki ng kapasidad upang higit pang isulong ang adbokasiya na protektahan ang mga mag-aaral laban sa ano mang uri ng pang-aabuso.
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121665.0