From FB Post
Inanunsyo ni Mayor Oca Malapitan na makakatanggap ng tig-P1,000 tulong-pinansyal ang humigit-kumulang 14,000 mag-aaral ng University of Caloocan City kaugnay pa rin ng mas pinalawig na Enhanced Community Quarantine dulot ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Oca, karamihan sa mga mag-aaral ng UCC ay working students o nagtatrabaho para masuportahan ang kanilang pamilya at pag-aaral. Tunay na kabilang din sila sa higit na apektado dahil sa natigil sila sa kanilang mga trabaho at nawalan ng pinagkakakitaan.
"Nauunawaan natin na karamihan sa ating mga mag-aaral sa UCC ay kabilang sa ating working group na pansamantalang nawalan ng hanapbuhay at labis din na naaapektuhan ng krisis na dulot ng pandemyang ito," ani Mayor Oca.
"Maging ang non-working students ng UCC ay kasama rin sa magiging benepisyaryo ng ating programa sapagkat ang kabataan ay isa sa ating mga prayoridad na matulungan sa panahong ito," dagdag ng Punong-Lungsod.
"Lahat ng mag-aaral natin sa UCC na naka-enrol ng ikalawang semester, S.Y. 2019-2020 ay makakatanggap ng ating cash assistance. Ito ay target natin maibigay sa susunod na linggo," paglilinaw ni Mayor Oca.
Pinapayuhan naman ang mga mag-aaral ng UCC na sumali sa official Facebook group ng University of Caloocan City na OFFICIAL UCC group para sa iba pang anunsyo hinggil sa magiging proseso upang makuha ang tulong-pinansyal.
#LabanCaloocanKontraCovid19
*WORK from HOME and START YOUR OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.dreamhost.comSitemap:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?action=sitemapRSS Feeds:
https://feeds.feedburner.com/tubagboholTweets:
https://twitter.com/tubagboholcomLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=101236.0