The Philippines > Philippine Education

K to 12 Transition Faculty Scholars

(1/1)

MikeLigalig.com:
KGG. FREDERICK W. SIAO
Lone District of Iligan City
Maligayang Pasko nga!

HIGIT DALAWANG LIBONG CHED SCHOLARS MATATANGGAP NA ANG NAANTALANG ALLOWANCES

Nagpapasalamat ako sa Commission on Higher Education sa (CHED) sa aksyon nito sa aking panawagang solusyunan ang pagkaantala ng allowances ng K to 12 Transition faculty scholars. Mahigit 9,500 scholars ang apektadong iskolar.

Ayon sa pahayag ng CHED nitong Linggo, sa December 29 na matatanggap ng 2,152 na faculty scholars ang “full release” ng kanilang living allowances, habang sa January 5, 2018 naman ang “partial release” para sa 1,011 na K to 12 Transition program beneficiaries, pero 933 ang wala pang matatanggap dahil hindi pa kumpleto o pinoproseso pa ang kanilang mga papeles sa CHED regional offices.

Aminado naman ang CHED na natabunan sila ng 11,000 bulto ng dokumento dahil sa K to 12 Transition program para sa college faculty. Hindi kinaya ng kanilang mga tauhan ang dagsa. 

Ano ba ang maaaring maitulong ng Kongreso upang mapabilis ang proseso o madagdagan ang CHED ng tauhan para maasikaso ang mga dokumento? 

Sa Enero o Pebrero ng 2018 ay magsisimula na ang budget cycle para sa pagbalangkas ng 2019 national budget. Handa akong makinig sa CHED upang malaman kung ano ang kailangan nila sa 2019 budget upang mapahusay ang sistema ng CHED. (WAKAS)

Your device is compatible with our app. Click HERE to get your FREE TubagBohol Android App



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88793.0

Navigation

[0] Message Index

Go to full version