FATHER'S DAY MAN AT ARAW NG LINGGO, TULUY-TULOY ANG TRABAHO
Nagsagawa ng surpresang inspeksyon ang haligi at ama ng Kagawaran ng Transportasyon, Secretary Art Tugade sa MRT-3 at sa Common Station ngayong araw, ika-19 ng Hunyo 2022.
Tiniyak ni Secretary Tugade na walang masasayang na sandali sa nalalabing 11 araw ng administrasyong ito sa pagpapanatili ng kumportable, maayos at walang aberya sa operasyon ng MRT-3 lalo't patuloy pa rin ang Libreng Sakay sa lahat ng pasahero nito hanggang huling araw ng Hunyo.
Binisita rin ang bagong Control Center ng MRT-3 na kung saan binigyan diin ng Kalihim ang mahigpit na pagpapatupad ng safety protocols, hindi lamang sa loob ng tren, kundi maging sa lahat ng sulok at mga pasilidad nito, para sa kaligtasan ng lahat at agarang makatugon sa mga hindi inaasahang insidente.
Tumungo rin ang inspection team sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Common Station na siyang magdurugtong sa mga linya ng MRT-3, LRT-1, MRT-7, at Metro Manila Subway. Oras na matapos ang proyekto, halos 500,000 katao ang kaya nitong maserbisyuhan.
Kasama ni Secretary Tugade sa naging inspeksyon sina Undersecretary for Railways Timothy John Batan, MRT-3 General Manager Mike Capati, PNR General Manager Junn Magno, LRTA Administrator Jeremy Regino, Sumitomo Corporation General Manager & Authorized Representative Masanori Honda, at iba pang support staff.
#DOTrPH

#RailwaysSectorWorks #MRT3 #CommonStation
* * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122685.0