Tensyon sa BDRC, 1 ang patay!
GMA 7 24 Oras
Isa ang patay sa isang "surprise attack" na isinagawa ng ng Provincial National Police (PNP)- Bohol sa loob ng Bohol Detention and Rehabilitation Center (BDRC) sa Cabawan district, Tagbilaran City kaninang madaling araw. (June 3, 2008)
Nagtamo ng mga bala si Nilo Dalogdog Caborte na taga Antequera, Bohol.
Isinagawa ang nasabing attack dahil na rin hindi na ligtas umano ang loob ng BDRC makatapos malaman na ang mga inmates ay nakapuslit ng mga baril, pana, patalim at iba pang gamit na ilegal na nakapasok sa loob ng kanilang mga selda.
Agad agad na inipon ang mga inmates at ibinilang pagkatapos ng nasabing attack.
Humupa na ang tensyon at balik normal na sa loob ng BDRC pagkatapos ngayong hapon.
Noong Abril 14 ay nagkaroon ng riot sa loob ng BDRC na tumagal ng mahigit na 2 oras ang tensyon na biglang nagwala ang mga priso saloob ng kanilang mga selda.
Nasira ang metal sliding door, ang sahig nito at ilang bahagi ng dingding.
Wala namang nasugatan sa nasabing riot.
Ang daing ng mga priso ay patalsikin si Lt. Col. Raul Mendez bilang provincial warden dahil sa sobrang higpit umano sa kaniyang mga patakaran lalo na sa bisita.
Giit naman ni Lt. Col Mendez na sinunod lamang niya ang ikabubuti ng BDRC at sobrang higpit sila sa mga bumibisita dahil talamak umano ang pagpupuslit ng mga droga sa loob ng selda.
Natigil lamang ito ng nagkaroon ng negosasyon sa mga inmate at ng kumakatawan ng provincial government.
Ang BDRC ay may 301 na inmates, 15 ang babae at 86 ang mga lalaki at 27 lamang ang mga selda nito.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=13090.0