MALAWAKANG GENERAL REGISTRATION PARA SA MGA DRIVER NA NAIS SUMALI SA SERVICE CONTRACTING PROGRAM, ILULUNSAD SA IKA-31 NG MAYO!
Press Release - METRO MANILA—Magkakaroon ng General Registration at Orientation Activity para sa mga kwalipikadong Public Utility Vehicle (PUV) driver simula sa ika-31 ng Mayo (Lunes) hanggang ika-2 ng Hunyo, 2021 (Miyerkules) para sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ay gaganapin sa Quezon City Memorial Circle Basketball Covered Court simula 8AM hanggang 5PM.
Bukas ang General Registration at Orientation Activity sa mga PUV driver na kasalukuyang bumibiyahe sa mga bukas na ruta simula noong ika-1 ng Hunyo 2020.
Upang makarehistro siguraduhing kumpleto ang mga isusumiteng sumusunod na dokumento:
- Isang piraso ng malinaw na photocopy ng Professional Driver’s License na may tatlong pirma ng drayber;
- Isang piraso ng Certification na pirmado ng operator na nagpapatunay na siya ay awtorisadong drayber ng idineklarang unit;
- Isang piraso ng malinaw na photocopy ng valid ID ng Operator na may tatlong pirma ng operator;
- Isang piraso ng malinaw na photocopy ng OR/CR ng mimamanehong Jeep;
- Isang piraso ng malinaw na printed copy ng screenshot ng GCash account na nakapangalan sa mismong driver; at
- Isang piraso ng malinaw na photocopy ng Certificate of Public Convenience.
Paalala lamang, kung ang unit ay binenta, ang driver ay kailangan magpasa ng photocopy na notarized Deed of Sale (DOS) na nakasaad ang pangalan ng pangalawang may-ari ng unit. (Tandaan: Ang DOS na may petsa na lampas ng Agosto 2016 ay hindi na tatanggapin).
I-click lamang ang link para listahan ng mga bukas na ruta ngayong pandemic na kwalipikadong makapagrehistro sa Service Contracting Program:
http://bit.ly/QualifiedRoutesForSCIpinagbibigay alam din ng LTFRB na makakatanggap ng P20,000 incentive ang mga onboarded PUV drivers mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo 2021.
Kung ang driver ay nakatanggap na ng insentibo, kinakailangan niyang bumiyahe sa kaniyang ruta gamit ang LTFRB Driver App at bukod pa rito, maaaring makatanggap ng dagdag na P7,000 ang PUV drivers na kasali sa programa kung sila ay patuloy na bibiyahe ng limang (5) araw sa loob ng isang linggo.
Paalala, ang patakaran na "No Face Shield, No Face Mask, No Entry" at pagsunod sa "Social Distancing" ay mahigpit na ipapatupad para sa mga driver na nais dumalo sa nasabing aktibidad.
Tara, sali na at magkaisa sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!
Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.
#TsuperMan!
#LTFRB #DOTrPH

#ServiceContractingProgram
Best Website Host:
www.bluehost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121288.0