Umaabot na sa kalahating milyon ang sex workers sa Pilipinas at patuloy ang pagdami ng mga ito habang tumatagal kaya’t dapat umanong paigtingin ang kampanya laban sa sindikatong nagpapatakbo ng prostitusyon sa bansa.
Ang masaklap, sa naÂsabing bilang, 100,000 dito ay mga menor-de-edad na karaniwang mabenta sa mga parokyano ng nasabing industriya.
Ito ang nilalaman ng House bill 1706 ni Tarlac Rep. Susan Yap na nagÂlalayong ilibre sa kaso ang mga prostitutes dahil karamihan sa mga ito ay mga biktima lamang ng sindikato.
Sinabi ni Yap na base sa report ng Philippine Womens Commission, eksaktong kalahating milyon na umano ang bilang ng mga kababaihan na nagbebenta ng laman sa bansa.
Karamihan sa mga ito ay nasa Metro Manila na nagtatrabaho sa mga bahay-aliwan at kapag nahuhuli ay sinasampahan ng kasong kriminal gayung karamihan sa mga ito ay mga biktima lamang.
Nais ni Yap na baguhin na ang sistemang ito at sa halip ay itutok ang kaso sa mga sindikato at mga may-ari ng mga bahay-aliwan na nagbebenta ng mga kababaihan.
“We should not view the prostitutes as the source of the problem of prostitution. We should instead run after thos who lured them into this kind of business,†pahayag ng lady solon.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=35494.0