Tiyak na mababawasan na ang maraming problemang kinakaharap ng isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos manalo ng halos P18 milyon sa lotto na binola noong Linggo.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Ferdinand Rojas II, isa ang 60-anyos na dating OFW sa dalawang winners na tumama sa 6/49 Super Lotto draw.
Nakuha ng winner ang kumbinasyong 09-17-28-36-19-33 na may total jackpot prize na P37,655,647.20. Dahil dalawa silang naÂnalo, nakuha ng winner mula sa Cavite ang share nito na P18,827,823.60.
Tumaya ang winner ng P40 sa pamamagitan ng random pick.
“Naglakad lang po kami ng anak ko mula sa Baclaran hanggang dito sa PCSO, dahil kulang na po ang pamasahe namin,†ayon sa winner.
Sabi pa nitong marami siyang babayarang utang at gusto nitong mabawi ang kanilang bahay at lupa sa bangko na kamakailan lamang ay napadalhan sila ng ‘overdue foreclosure notice’.
Bukod pa riyan, sinabi ng winner na kailangan niyang ipagamot ang kanyang anak na lalaki na may stage 4 cancer.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=71442.0