Press Release
ANG MATAGAL NA NATENGGANG PNR CLARK PHASE 2 (MALOLOS - CLARK), FULL-BLAST NA NGAYON ANG KONSTRUKSYON!
NOON pa man, matagal na ang planong pagtatayo ng isang malawakang North-South Commuter Railway Project (NSCR), kabilang ang Phase 2 segment nito, o yung tinatawag na Malolos to Clark line. Sa katunayan, umabot pa sa halos dalawang dekada ang planong simulan ang paggawa nito.
NGAYON, upang masikatuparan ang project, nag-pursige at umaksyon si Secretary Art Tugade at ang Railways sector ng Department of Transportation, sa pangunguna ni Undersecretary Timothy John Batan, at ng Philippine National Railways (PNR), sa ilalim ng liderato ni General Manager Junn Magno.
NGAYON, wala nang patid ang construction, at nasa 28.79% na ang OVERALL PROGRESS RATE ng Phase 2.
Noong 01 May 2021, nakumpleto na ang concrete pouring at crosshole sonic logging test sa Pile 296 na nasa loob ng Apalit Station ng proyekto, na kabilang sa Pile Testing works. Nalalapit naman ang pagtatapos ng first Bored Pile Cast, na nasa MCRP Apalit Station construction site sa Sitio Sampaga, Brgy. San Vicente, Apalit.
Maliban dito, nasa kabuuang bilang na 11 test pile ang target para sa segment na ito, at sa darating na Agosto, inaasahang maku-kumpleto na ang lahat ng test pile activities.
Saklaw ng 54-km rail line na ito ang kahabaan ng Malolos, Bulacan hanggang Clark, Pampanga. Tampok din sa proyektong ito ang FIRST-EVER Airport Express ng bansa. Oras na matapos ito, ang dating lagpas dalawang (2) oras na biyahe mula Clark International Airport (CRK) sa Pampanga patungong Makati City, ay magiging ISANG ORAS NA LANG!
Maliban sa hatid nitong hassle-free na travel experience, nagbigay daan din ang proyektong ito na magkaroon ng job opportunities ang ating mga kababayan. Sa katunayan, nasa 7,000 direct jobs ang nabuksan sa construction phase ng proyekto ngayon, at ito ay inaasahang magbubukas pa ng oportunidad para sa 3,000 trabaho pa kapag naging operational na ito.
Ang pagsasakatuparan nito ay naging posible rin dahil sa kooperasyon at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan at Pampanga.
#DOTrPH

#RailwaysSectorWorks #BUILDBUILDBUILD #ComfortableLifeForAll #Malolos #Clark
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121294.0