P37,000 na ang natanggap ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) driver na si Mang Oliver Unciano mula sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang halagang ito ay galing sa kaniyang natanggap na P4,000 na initial payout, halos P9,000 na kabuuang halaga ng weekly payout, at P25,000 na one-time onboarding incentive mula sa programa.
Si Mang Oliver ay nagmamaneho ng TPUJ sa rutang Gonzaga - Aparri sa Cagayan sa Region II.
Layunin ng Service Contracting Program na matulungan ang mga katulad ni Mang Oliver na magkaroon ng karagdagang kita sa pamamasada sa gitna ng pandemya.
Ipinagbibigay alam din ng LTFRB na ang mga PUV drivers na nag-onboard sa program bago ang ika-30 ng Abril 2021 ay makakatanggap ng one-time incentive na P25,000, samantalang ang mga mao-onboard mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo 2021 ay makatatanggap ng P20,000 one-time incentive.
Bukod pa rito, maaring makatanggap ng dagdag na P7,000 ang mga PUV drivers na kasali sa programa kung sila ay maglolog-in sa Systems App nang limang (5) araw sa loob ng isang linggo.
Para sa mga interesadong driver mula sa ibang rehiyon, maaaring dumulog sa inyong LTFRB Regional Franchising and Regulatory Offices (RFRO) upang maging bahagi ng Service Contracting.
Maaaring magrehistro ang interesadong driver na bukas na ang ruta ngayong pandemya sa pamamagitan ng link na ito:
www.servicecontracting.ph.
Upang magsilbing gabay sa pag rehistro sa programa, maaari lamang ay panoorin ang video na ito: bit.ly/SCInfomercialVideo.
Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.
Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!
#TsuperMan! #LTFRB
#DOTrPH

#ServiceContractingProgram
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121284.0