Join MikeLigalig.com!

Why Just Read When You Can Join, Post, and Read!

Mental hospital sa Davao, nasunog

Started by Lollapalooza, May 22, 2013, 11:36:07 AM

Previous topic - Next topic

Lollapalooza

Mental hospital sa Davao, nasunog; DOH, tiniyak na ligtas ang mga pasyente

Tutulak patungong Davao si Health Assistant Secretary Elmer Punzalan matapos masunog ang female ward ng Davao Mental Hospital, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Punzalan, cluster head at taga-pamahala ng lahat ng mental facilities sa bansa, luma na ang nasunog na bahagi ng ospital at sa katunayan ay 1920s pa ito itinayo.

Ito anya ang dahilan kung bakit madaling lumaki ang apoy.

Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na nasa ligtas nang kalagayan ang 90 babaeng pasyente na naapektuhan ng sunog at inilipat sa ibang pagamutan.

Hindi naman na anila ililipat ang mga lalaking pasyente dahil hindi inabot ng sunog ang male ward.

Kasunod ng insidente, pag-aaralan ng DOH ang agarang pagpapatayo ng gusali para sa mga babaeng pasyente.

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng sunog.

Report from Johnson Manabat, Radyo Patrol 46,DZMM
"If you ask me what I came into this life to do, I will tell you: I came to live out loud." ~ Emile Zola~  ‎(áµ"á´¥áµ")