The Philippines > Philippine Business News
Madrid Summit
(1/1)
MikeLigalig.com:
HON. BERNADETTE “BH” HERRERA-DY
Bagong Henerasyon Party-list
Assistant Majority Leader
Chair, Committee on Women & Gender Equality - 0917-729-2437
MGA BAGONG BATAS UKOL SA NUTRISYON, IBINIDA SA MADRID SUMMIT
Kababalik lang mula sa Madrid, Spain ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy na siyang naging kinatawan ng Kongreso sa kauna-unahang kumperensiya ng mga mambabatas ng buong mundo upang makabuo ng isang action plan kontra malnutrisyon at gutom.
Sa Madrid Summit na ginanap noong Oktubre 29-30, inilahad ni Congresswoman Herrera-Dy ang mga naisabatas na reporma sa mga polisiya ng Pilipinas, kabilang na ang tatlong bagong batas sa libreng patubig ng mga sakahan, buwis sa matatamis na inumin, at national school feeding program para sa kindergarten at elementary.
Ibinida rin ng Bagong Henerasyon kinatawan sa Kamara ang tatlong bill na malapit nang maging batas at limang mga panukalang sumusulong sa Kongreso.
Nalaman ni Rep. Herrera-Dy ang mahusay na ehemplo ng bansang Chile kung saan ang mga pagkaing bagsak sa nutrition content ay hindi pinapayagan mag-advertise.
Iniulat din ni Congresswoman Herrera-Dy ang ilang mga natatanging program ng ehekutibo tulad ng:
· Farm-to-market roads
· Coconut Rehabilitation Program
· Gulayan sa Paaralan
· Diskwento caravans in depressed areas
· Family development sessions for child and family nutrition
· SALINTUBIG and other water, sanitation and hygiene (END)
Save the link https://tubagbohol.mikeligalig.com
Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89827.0
Navigation
[0] Message Index
Go to full version