LTFRB-CENTRAL AT LTFRB-NCR OFFICES, MAGBUBUKAS NA SA PUBLIKO SIMULA LUNES, IKA-12 NG ABRIL
Press Release: Kasunod ng anunsyo ng Malacañan na ipasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na nabibilang sa NCR+, ipinapaalam ng Land Transportation Franchsing and Regulatory Board (LTFRB) Central Office at LTFRB National Capital Region (NCR) na magiging bukas at tatanggap na ng mga transakyon sa publiko ang mga nasabing tanggapan simula bukas, Lunes, ika-12 ng Abril, 2021.
Sa mga stakeholders ng LTFRB-NCR para bukas, ika-12 ng Abril, 2021, tanging ang mga naka-schedule lamang noong ika-29 ng Marso, 2021, ang papayagang makapasok at aasikasuhin sa tanggapan. Para sa mga katanungan at transaksyon sa LTFRB-NCR, maaaring:
• magpadala ng mensahe sa official LTFRB-NCR Facebook page (
https://www.facebook.com/ltfrb.ncr.help) o;
• gamitin ang Public Transport Online Processing System (PTOPS) ng tanggapan,
https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en.
Mahalagang paalala sa mga nais tumungo sa mga tanggapan na istriktong ipinatutupad ng LTFRB ang safety health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, regular na disinfection, at pagsunod sa tamang physical distancing.
Para sa karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB 24/7 hotline 1342 o sa e-mail address:
[email protected].
#LTFRBNCR
#LTFRB
#MECQ
Best Website Host:
www.bluehost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121045.0