Press Release: KARAGDAGANG RUTA PARA SA JEEPNEYS AT PROVINCIAL BUSES, BUBUKSAN NG LTFRB SA SUSUNOD NA LINGGO
Tinatayang nasa 60 na ruta ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) sa NCR at 190 ruta ng Provincial Public Utility Bus (PUB) ang nakatakdang buksan ng Land Transportationg Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo, alinsunod sa mandato ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Arthur P. Tugade, na palawigin pa ang pagbubukas ng mga ruta ng pampublikong sasakyan upang makatulong sa pagbiyahe ng ating mga kababayan.
Ang panawagang ito ni Secretary Tugade ay isa sa mga nakikitang solusyon upang mabawasan o matigil ang laganap na operasyon ng colorum vehicles, na isa sa tinitingnang posibleng sanhi ng pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa iba’t-ibang bayan.
Mahigit kumulang 1,800 TPUJs ang inaasahang papasada sa bubuksang 60 na ruta sa NCR, habang mahigit kumulang 2,600 Provincial PUBs ang mag-o-operate sa 190 rutang papasok at palabas ng Metro Manila.
Bagamat papayagan na ang pagbubukas ng ruta ng mga Provincial Bus, ito ay dedepende pa rin sa restrictions at requirements na ipinatutupad ng mga local government units, partikular na ang pagbubukas ng kanilang mga border para sa mga bus na manggagaling sa ibang lalawigan.
Sa ngayon, nasa 745 ruta na ng mga PUV ang nabuksan na sa Metro Manila, kung saan 53,441 PUV units ang pinayagan nang bumiyahe. Ito ay nasa 76% na ng kabuuang bilang ng pampublikong sasakyan sa NCR.
Maaaring mag-operate ang mga roadworthy traditional PUJs na mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy sa mga rutang nabuksan na. Ang mga sasakyang ponapayagang bumiyahe ay kinakailangang magkaroon ng QR CODE mula sa LTFRB na dapat ay naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit. Maaari i-download ang QR Code mula sa website ng LTFRB (
www.ltfrb.gov.ph).
Samantala, narito ang kabuuang bilang ng mga public utility vehicles na pinayagang mag-operate ng LTFRB sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo 2020:
TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 414
Bilang ng mga awtorisadong units: 37,246
MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 50
Bilang ng mga awtorisadong units: 950
PUBLIC UTILITY BUS (CITY PUB)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 35
Bilang ng mga awtorisadong units: 4,550
POINT-TO-POINT BUS (CITY P2P)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 35
Bilang ng mga awtorisadong units: 404
UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang nabuksan: 128
Bilang ng mga awtorisadong units: 7,347
TAXI
Bilang ng mga awtorisadong units: 21,663
TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng mga awtorisadong units: 25,495
MODERN UV EXPRESS (CLASS 3)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 3
Bilang ng mga awtorisadong units: 55
PROVINCIAL PUB (TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 73
Bilang ng mga awtorisadong units: 2,685
PROVINCIAL P2P (TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 7
Bilang ng mga awtorisadong units: 204
PROVINCIAL PUB (NOT TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 8
Bilang ng mga awtorisadong units: 104
PROVINCIAL P2P (NOT TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 3
Bilang ng mga awtorisadong units: 65
Pinapaalala rin ng ahensya na walang taas-pasahe na ipatutupad maliban na lang kung opisyal na inilahad at inaprubahan ng LTFRB.
Samantala, istrikto namang ipinatutupad ang mga sumusunod na health and safety protocols na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EIF) sa mga pampublikong sasakyan upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19):
1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain sa loob ng sasakyan;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing.
Ang sinumang drayber o operator na mahuli na lalabag sa mga alituntunin ng LTFRB ay papatawan ng kaukulang parusa, katulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.
#LTFRB #DOTrPH

*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121034.0