Gusto mo bang magbukas ng bank account, pero kulang ang pang-initial deposit o walang ID? Mag-open ka na ng LANDBANK PISO account! Sa halagang piso (P1.00), pwede ka nang magbukas ng sarili mong LANDBANK account!

Narito na ang LANDBANK Perang Inimpok Savings Option o PISO – ang bagong basic deposit account para sa mga wala pang existing deposit account, tulad ng mga sumusunod:

Estudyante;

Public utility vehicles drivers;

Sidewalk vendors;

Magsasaka;

Mangingisda;

Household helpers (“kasambahay”); at

Iba pang walang access sa mga training o seminar ukol sa kaalamang pampinansyal.
Simple lang ang requirements ng LANDBANK PISO:

Isang (1) Valid ID o Barangay Certificate

Piso (P1.00) bilang initial deposit
Tara na sa pinakamalapit na LANDBANK branch at mag-umpisa nang mag-ipon! Alamin ang branch na malapit sa inyo gamit ang Network Locator via the official LANDBANK website:
www.landbank.com/find-us.


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang
www.landbank.com* * *
Affordable Wordpress website host at
www.greengeeks.com Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123560.0