Nag-uumapaw ang kaligayan ng isang 55-anyos na hairstylist nang mapanalunan ang jackpot prize sa lotto na umabot sa P81.6 milyon.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Ferdinand Rojas II, solong napanalunan ng winner mula sa Las Piñas City ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na binola noong Pebrero 27.
Nakuha nito ang kumbinasyong 21-20-23-18-13-11 na may total jackpot prize na P81,670,273.20.
Sabi ng winner, tumaya siya ng P40 gamit ang mga birthdays ng kanyang dalawang ampon at mga magulang. Dagdag pa nito, 10 taon na siyang tumataya sa lotto.
Plano ng winner na bumili ng house and lot, magtayo ng mga beauty parlors at magpaaral ng mga street children o batang kalye.
"Natutuwa kami dito, sapagkat ang ating bagong milyonaryo ay halos pareho ang aming layunin na tumulong sa mga mahihirap nating kababayan," sabi ni Rojas.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=70496.0