Dalaga kulong sa shampoo
Dahil sa dalawang shampoo na kanyang inumit sa SM Megamall, swak sa loob ng kulungan ang isang dalaga sa MandaluÂyong City.
Halos hindi naman makaharap at hindi na rin nagbigay ng kanyang pahayag ang suspek na nakilalang si Tina Cepeda, nasa hustong gulang, ng Baloy St., Santolan, Quezon City.
Si Cepeda ay pormal na sinampahan ng kasong theft thru shoplifting ni Christopher Crisanto y Nicolas, 37, security officer ng Star Force Security Services at nakatalaga sa SM Hypermarket sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Ayon kay Crisanto, dakong alas-tres ng hapon nang makita niyang pumasok ang suspek at nagtuluy-tuloy sa grocery at mabilis ding dumampot ng dalawang Head & Shoulders shampoo 350ml na nagkakahalaga ng tig-P199.75.
“Pagkakuha niya, agad niyang inilagay sa kanyang kulay brown na shoulder bag at mabilis siyang lumabas, kaya agad ko siyang sinundan sa labas,†ayon kay Crisanto.
Agad umanong hinanapan ng resibo ni Crisanto ang suspek sa kinuha nitong dalawang shampoo at nang walang maipakitang resibo ay dinala ito sa Mandaluyong Police upang ireklamo.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73305.0