Author Topic: Giingnan PALMOLIVE ang gamiton H & S jud gikuha...  (Read 641 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Giingnan PALMOLIVE ang gamiton H & S jud gikuha...
« on: June 10, 2013, 09:29:09 AM »
Dalaga kulong sa shampoo

Dahil sa dalawang shampoo na kanyang inumit sa SM Megamall, swak sa loob ng kulungan ang isang dalaga sa Mandalu­yong City.


Halos hindi naman makaharap at hindi na rin nagbigay ng kanyang pahayag ang suspek na nakilalang si Tina Cepeda, nasa hustong gulang, ng Baloy St., Santolan, Quezon City.


Si Cepeda ay pormal na sinampahan ng kasong theft thru shoplifting ni Christopher Crisanto y Nicolas, 37, security officer ng Star Force Security Services at nakatalaga sa SM Hypermarket sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.   


Ayon kay Crisanto, dakong alas-tres ng hapon nang makita niyang pumasok ang suspek at nagtuluy-tuloy sa grocery at mabilis ding dumampot ng dalawang Head & Shoulders shampoo 350ml na nagkakahalaga ng tig-P199.75.


“Pagkakuha niya, agad niyang inilagay sa kanyang kulay brown na shoulder bag at mabilis siyang lumabas, kaya agad ko siyang sinundan sa labas,” ayon kay Crisanto.


Agad umanong hinanapan ng resibo ni Crisanto ang suspek sa kinuha nitong dalawang shampoo at nang walang maipakitang resibo ay dinala ito sa Mandaluyong Police upang ireklamo.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73305.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: