PEKENG S-PASS HINDI LULUSOT SA PORT OF BATANGAS
Sa pakikipag-ugnayan ng PPA Port Management Office ng Batangas sa Department of Science and Technology (DOST) - 4A, nabigyan ng S-PASS sytem access ang pamunuan ng Batangas Port upang matukoy kung peke o tunay ang qr code ng mga pasaherong dumaraan dito.
Gamit ang QR code scanner ng mga gwardiyang naka-duty sa mga gate ng pantalan, iisa-isahin ang code ng mga pasaherong darating dito at agad namang aaksyunan ng PMO Batangas kung sakaling may madiskubreng hindi tunay na QR code.
Ito ay isa sa mga hakbang ng PMO Batangas laban sa napapabalitang bentahan umano ng S-PASS code na isa sa mga pangunahing requirements ngayon bago makabyahe ang isang indibidwal sa labas ng kaniyang probinsya.
Nitong nakaraang Mayo 2021 sinimulan ng PPA ang pagpapatupad ng S-PASS requirement sa lahat ng pantalang sakop nito bilang pakikiisa sa mga hakbang ng pamahalaang nasyonal laban sa pagkalat ng COVID-19. Ang sistemang ito ay naglalayong masigurong lahat ng byahero ay nakasunod sa itinakdang patakaran ng lugar na kanilang pupuntahan kabilang na ang pagpapasa ng mga kaukulang dokumento, bago paghintulutan ang kanilang pagpasok sa ibang probinsya.

: PPA PMO Batangas
#MalasakitatSerbisyo
#MaritimeSectorCares
#PPACares
#DOTrPH

#COVIDlangtoPilipinotayo
#BAHAYmunaBUHAYmuna
#WeHealAsOne
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121383.0