Sobra-sobrang regalo ang natanggap ng isang factory worker matapos manalo na P93 milyon sa 6/49 Super Lotto na binola noong Disyembre 4.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Ferdinand Rojas II, nasambot ng 29-anyos na factory worker ang kumbinasyong 30-01-14-20-41-42 na may total jackpot prize na P93,422,923.20.
Sinabi ng winner na tumaya siya ng P80 at ginamit ang birthday ng kanyang 3-buwang gulang na ampon, kaarawan at anibersaryo ng kanyang kasintahan.
Dalawang beses pa lamang umano siyang nakasubok tumaya sa lotto, ayon sa winner.
Plano nitong bayaran ang kanilang mga utang, mga bills sa ospital kung saan naka-confine ang kanyang ampon.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=63062.0