Mismong ang legal counsel ni Dra. Vicki Belo na si Atty. Adel Tamano ang nagkumpirmang may sex video ang beauty expert. Pero may consent daw ‘yon ni Dra. Vicki, at siyempre, ang kasama niya sa video ay si Dr. Hayden.
Ayon pa kay Atty. Tamano, wala raw kinalaman ang kanyang kliyente sa pagkalat ng sex video nina Hayden at Katrina. Pero nakahanda naman daw si Dra. Vicki na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation [NBI] para maayos na ang gulong kinasasangkutan ng kanyang boyfriend.
Ikinagulat naman daw ng beauty expert nang i-subpoena siya ng NBI, dagdag pa ni Atty. Tamano. At kaya naman daw hindi nakasipot si Dra. Vicki sa tanggapan ng NBI nu’ng Biyernes ay dahil may mga kliyente ito sa Belo Medical Clinic. No show din si Hayden at ang sinasabing nagpakalat ng mga sex video ng huli na si Eric Johnson Chua.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=20653.0