Author Topic: Dili pwede nga dugayon sa huwes pagdisesyon ang kaso nga iyang gigunitan.  (Read 1081 times)

Boholanoni

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Mabagal magdesisyon, judge pinagmulta
(Tina Mendoza)
ABANTE
Dahil sa mabagal na pag-aksyon sa isang kasong sibil na nahawakan,pinagmulta kahapon ng Korte Suprema ang isang hukom sa Mati Davao Oriental Regional Trial Court.

Sa pitong pahinang desisyon ng SC 3rd division na sinulat ni Justice Diosdado Peralta sinabi nito na binigyan na ng korte ng pagkakataon si Judge Nino Batingana para desisyunan ang isang kaso subalit sa kabila ng sobra-sobra nang palugit ay hindi pa rin nakasunod ang hukom.

Nabatid na walong extention ang ipinagkaloob ng SC kay Judge Batingana para makapagpalabas ng desisyon sa dalawang kasong sibil na natapos na nitong dinggin subalit hindi pa rin naipalalabas ang desisyon.

Batay sa batas ay 90 araw lamang ang ibinibigay para desisyunan ang isang kaso ng mga hukom matapos ang isinagawang paglilitis.

Matapos patawan ng multa ay binalaan din ng SC ang hukom na kapag naulit ang kapabayaan nito at hindi pa nito naresolba ang nasabing kaso sa loob ng 15 araw ay mas mabigat na kaparusahan na ang ipapataw laban dito.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=25838.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: