Iba pang Abu Sayyaf Group leaders, bilang na ang araw!
(JB Salarzon/Rose Miranda)
Peoples JournalInaasahang sa mga susunod na araw ay makukuha na rin ng mga sundalo ang isa pang kumander ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang nagpapatuloy ang ginagawang pagtugis sa mga bandido matapos ma¬patay sa isang engkuwentro noong Linggo si Albader Parad, ang tinaguriang pinakanotoryus na lider ng bandidong grupo sa Sulu.
Ayon kay Brig. Gen. Rustico Guerrero, kumander ng Task Force Comet, pasikip na nang pasikip ang kinikilusan ng mga bandido dahil na rin sa tulong ng mga mamamayan.
“Ang mahalaga ay ginagawa natin ang ating trabaho, at sana maging matagumpay tayo sa ating mga operas¬yon,†ani Guerrero.
Partikular na tinutugis ngayon ang grupo nina Abu Jumdail alias Dr. Abu Pula, Radullan Sahiron at Isnilon Hapilon.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Abante, tamang pagkilos at atake na lamang ang hinihintay ng mga tropang nakabuntot sa grupo ni Hapilon para makuha siya.
“Expect more firepo¬wer in the next few days. They are on the run tired and wounded. We’ll soon get all of them for good. We’re slowly closing in and breaking into their positions. They may be familiar with the terrain but we own them during nighttime. We’ll crush them all,†ani ng source.
Aniya, ang grupo ni Hapilon na kasama ni Parad na nakasagupa ng mga sundalo kung saan namatay ang bandidong kumander sa bayan ng Maimbung.
Sinabi rin ng Malacañang na umpisa pa lamang ang nangyaring pagkapaslang ng militar kay Parad at lima pa nitong tauhan kamakalawa sa Sulu.
Naniniwala rin ang Pa¬lasyo na malaking bagay ang pagkadurog sa pangkat ni Parad upang mas matamasa ng Mindanao ang pangmatagalang kapayapaan.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=25779.0