Isang senior citizen ang pinakahuling miyembro ng ‘millionaire’s club’ ng mga lotto winners.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Ferdinand Rojas II, solong napanalunan ng winner na 79-anyos na biyuda mula sa Iloilo ang jackpot prize ng 6/49 Super Lotto na binola noong Pebrero 28.
Nasambot ng winner (may limang anak) ang kumbinasyong 28-30-07-36-33-15 na kabuuang premyong P67,272,040.80.
Sabi ng winner, tumaya siya ng P120 gamit ang mga birthdays ng kanyang mga anak at death anniversary ng kanyang bunsong anak. 1995 pa itong tumataya sa lotto.
Plano ng winner ng bumili ng bahay at lupa, ipamahagi sa kanyang mga anak, pag-aaralin ang kanyang mga apo at magtatayo ng community chapel sa kanilang lugar.
Nabatid na nahimatay pa ang winner nang malamang siya ang nanalo ng jackpot ng Super Lotto.
Kasama ng winner ang kanyang tatlong anak sa pagkuha ng kanya premyo sa tanggapan sa PCSO sa Pasay City.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=70833.0