(Share ko lang itong article na ito na nabasa ko sa GMA.news.TV)
Pakiusap namin sa mga misterhttp://www.gmanews.tv/story/175683/pakiusap-namin-sa-mga-misterHi sa inyong lahat mga kababayan ko at home at sa abroad. Sa sobrang hirap ng buhay sa Pilipinas, ang pag-a-abroad ang unang maiisip na solusyon ng halos lahat na nandito na sa abroad. Kahit alam namin na buhay ang nakataya,sinikap pa rin naming makalabas for so many reasons.
Binalewala na namin ang sarili namin, our first priority ay ang family. Minsan kahit malas ang buhay dito, tinitiis na lang para may perang mapadala sa Pilipinas. Para naman sa katulad ko na may mga asawang naiwan, sana isipin n’yo rin na nagtitiis kami para sa ikabubuti ng ating pamilya. Pero ano ang nagiging kapalit noon?
Habang kami ay nagsisikap dito, kayong mga asawang lalaki ay nagpapasarap ng buhay, nambabae at halos ubusin na ang perang ipinapadala sa walang kuwentang bisyo. Sana mahiya naman kayo. Kmi na nga ang tumatayong padre-de-familia ‘yon pa ba ang isusukli ninyo?
--------------------------------------------------------------------------------
All we are asking from you is to be a good husband. Is that too much to ask? Sana maawa naman kayo sa amin. – Ivy
--------------------------------------------------------------------------------
All we are asking from you is to be a good husband. Is that too much to ask? Sana maawa naman kayo sa amin. Alam n’yo ba na 24/7 ang trabaho namin dito? Kahit ‘di na namin kaya, kinakaya at tinitiis pa rin naming…at alam nyo ba kung bakit? because of you!
Kayo ang insperasyon namin kaya kahit anong hirap ay makaya namin dito. Iniisip kasi namin na we have to do this, or that para may maipadala na naman kami sa end of the month. Gusto kasi namin na kahit mamatay-matay na kami sa hirap dito basta mabigyan namin kayo ng magandang buhay.
So sinulat ko ito in behalf ng mga asawang nandito sa abroad na nagpapaka-martir dahil sa pamilya. Ika nga, everything we do, we do it for you... so please help us.
Ivy
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=23406.0