Ni Rose B Palacio / PIA
Davao City (2 December 2005) -- Isang pagpapahirap ay ang katotohanang marami na nasa gobyerno ang mismong nagpapahirap ng pagsasakatuparan ng utos ng Pangulong Arroyo na tapusin ang smuggling
problem sa bansa.
Ang mga ganitong klase ng opisyal ang dapat na unahin sa listahan ng mga kailangang bunutin sa smuggling syndicate, iparada sa korte at paghimasin ng malamig na bakal.
Talagang bilyones ang nawawalang pondo sa gobyerno dahil sa ganitong problema. Pero kahit saang panig ng mundo ay may problema sa smuggling. Sumisira ito ng maraming industriya at sector. Higit sa lahat, panganib ito sa ekonomiya.
Buwagin ang sindikato ng smuggling
Ang mahalaga, ditto sa Pilipinas, ang gobyerno ay may malinaw na objective, may nakalatag na aksyon para buwagin ang sindikato ng smuggling at may political will ang gobyerno na tapusin ang problema.
Pero ang ganitong kabigat na suliranin ay hindi matutuldukan sa isang iglap, walang magic pormula para ditto kundi ang determinasyon na tapusin ito gaano man kahaba abutin ang laban. (PIA)

*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116630.0