Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Lola, Wife of AFP Master Sergeant, Experienced Cruelty  (Read 1098 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 34043
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Lola, Wife of AFP Master Sergeant, Experienced Cruelty
« on: October 31, 2020, 01:51:45 AM »
Posted on FB by Alexis Sulit
Warning: Long post. Madami ng ganitong klase ng kliyente ang PAO, pero ito talaga nakaka durog kasi ng puso.

When you need more than legal advice, andyan ang PAO Forensics medical team. Di ko lang akalain na kahit panahon ng pandemya, garapal pa din pala ang mga oportunistang manloloko.

Galing Laguna si nanay, a 70 y/o widower, nung isang araw pa at habang may bagyo, pinapapunta sya ng local landbank branch sa main office dito manila dahil may issue sa pension ng pumanaw na mister nya. Sya ang entitled beneficiary ng pension ni mister kaso may ibang kumukuha ng naipon sa bangko kahit na pina freeze na nya sa bangko yung account ilang buwan na ang nakakalipas. May dala syang marriage cert and other documents to support her claim at may ID pa sya as entitled beneficiary ng mister nyang dating Master Sergeant sa AFP. Ang kaso may nilapitan siyang ibang abugado at narefer sya sa isang tga dito sa manila na dapat sasama sa kanya pra sa mga kailangang asikasuhin dito at sa pagluwas niya. Nagbayad sya ng 5000php ng walang binigay na resibo, pero kelangan nya kasi talaga lumuwas at wala sya kakilala dito.

Pag luwas nya magisa, hindi na siya sinipot ng kausap nya. Walang alam na malalapitan si nanay kaya nagpagala gala siya at natulog na lang kung saan saan. Wala din siyang pamasahe pauwi at desidido sya na maasikaso ang pinuntahan nyang lakad dito. May nag magandang loob na bus driver, pinasakay si nanay at nung madaan sa may east avenue/kamuning area, pinababa nya si nanay at binilinan nya na pumunta at humingi ng tulong maalin daw sa opisina ng PAO o kahit sa GMA, pati na rin kay Tulfo at mgkakalapit lang daw ang mga ito. Napagpasyahan ni nanay na sa opisina namin pumunta, at mabuti na lamang kasi legal action talaga ang kailangan niya. Cinoordinate ng abugado namin sa Landbank main ang kaniyang concern at binigyan sya ng endorsement letter na siyang ipapakita nya doon. Pero habang naglalabas ng sama ng loob sa abugado namin, napansin ng isang staff na balisa at nanginginig si nanay. Kaya kami ay pinatawag upang tingnan ang kalagayan niya. Diabetic pala sya at talaga namang hinang hina na dahil na nga din sa ilang araw na pagala gala ng wala ng maintenance nyang insulin at maayos na makakain. Nakakalungkot na ang una nyang sinabi ng kunin namin ang mga gamit pangmedikal ng team ay wala daw siyang pambayad sa mga gamit na yun kaya wag na lang daw. Kinailangan syang sweruhan at imonitor ang kalagayan lalo na ang sugar levels nya hanggang sa bumuti ang kanyang pakiramdam at sugar levels. Pagkatapos ay nagkwento na sya ng nangyari sa kanya. Kailangan pa nyang pumunta sa Landbank main branch kahit na naendorso na namin dahil may mga dokumento pa syang hawak na kailangan ipakita doon. Ang problema wala na talaga syang pamasahe. Mabuti na lamang at inendorso ng aming PAO Chief na gumamit sya ng sasakyan ng opisina para maihatid sya sa patutunguhan at asikasuhin hanggang sa may masakyan pabalik ng Laguna. Inabot na sya ng pagsara ng opisina ng Landbank main pero nung nakita na may kasama na taga-PAO si nanay, kinausap pa din mismo ng manager ng bangko at naasikaso naman ang kaniyang kailangan asikasuhin kaya sya lumuwas.

Inihatid na si nanay sa sakayan ng van pa-Laguna, pero mapapaisip ka talaga kung paano na lang kung iba ang nangyari kay nanay. Paano kung walang nagmagandang loob na bus driver, sya talaga guardian angel ni nanay kasi bukod sa media institutions na hindi nga dapat una mong iisipin pra humingi ng tulong, ay nabanggit din nya opisina namin. Pero sa totoo lang hindi na dapat umabot sa ganun kung may maayos na sistemang nakalatag para sa ganito. A 70 y/o high risk individual should not be going around in metro manila, even out of desperation to get matters done. Sana naman mas maayos sistema natin sa ganito, bakit napilitan pa si nanay na lumuwas para lamang makuha ang pera na para naman sa kanya, para sa pangkain at maintenance na gamot nya na di na nga niya iniaasa sa government hospitals. Walang stocks daw ang pinakamalapit na health center sa kanila, kaya takang taka si nanay bakit kami nakakapag bigay ng ganitong serbisyo na libre. Tapos mababalitaan mo na madami nasasayang na pondo, e nasa tamang pag gamit ng pondo lang naman yan. Sana maparusahan mga oportunista lalo na sa mga nanglalamang sa matatanda. God bless na lang dun sa nanloko kay nanay, ngayon pa talaga na may pandemya pinagpalit mo ang good karma para sa 5000php. Ok, rant over. Sorry team puro stolen shots ako senyo.


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.

Latest RSS Feeds



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116541.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET travel tickets, hotel rooms and all travel needs at www.klook.com

GROW YOUR MONEY FASTER than bank deposits at www.coins.ph

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts