veryhot_post - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog Author Topic: Funny but real stories  (Read 1754 times)

orChids

  • GURU
  • ****
  • avatar_18 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 8029
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • kirschblüte....I'll be back guys..am too busy.
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Funny but real stories
« on: April 04, 2008, 04:39:06 PM »
Here are some clips from a forum that made me laugh,but she is serious baya.Guys,naa ni copy rights ha,nananghid jod ko before nag post. ;D

 MONSTER-IN-LAW (PART4)

--------------------------------------------------------------------------------

ahihihi..nauuna na yung tawa ko. Pagpaumanhin po. Alam ko, marami na po ang nakabasa ng past threads ko, ahihihi..pero natatawa talaga ako..
Nagtatanung kasi yung asawa ko, anu ba daw tong kina b-bz han ko at parang ang dami dami ko daw isinusulat. Sabi ko naman WALA!! kanta lang to di nya alam nasa Internet na sila Monster-in-law, part4 na nga to!!
(ang sama ko talaga!)pera biro, natatawa talaga ako. pilit nyang binabasa, hindi nya maintindihan..

Okay, continue na yung chuva kong kwento.
----------------------

Naa alala ko dati, yung byanan kong lalaki, tanghaling tapat, tirik na tirik ang araw, aba gusto ba naman akong pag sanpo in sa labas kasama anak ko.  parati nalang daw kasi ako nasa loob ng bahay. Sabi ko sa kanya
"mainit pa po, mamaya nalang po ako lalabas", aba! sagot nya sa akin , "IMA!!"
sabi pa nya, eh anu naman daw ngayon kung mainit?..kung aso nga daw isina sanpo sa labas eh..

Asar na asar ako nung araw na yon!! sa isip isip ko, sya kaya gawin kong aso!
tapos lalabas kami, habang hinihila ko sya sa leeg, sa tenga, ibitin kong patiwarik, pagulungin ko sa hagdanan, ihagis ko sa basurahan!!

Hay naku, kainis talaga, nakaka gigil sya! Pero syempre, anu ba naman ang maga
gawa ko kung hindi mag timpi na lang sa galit.. dahil alam kong hindi na magbaba
go ugali nung mga yon.

-----------------------

Ito pa isa, araw araw, araw araw, parati na lang sinasabi sa amin na magtipid,
magtipid, magtipid, daw. Dumudugo na ang tenga ko kakapakinig sa mga sinasabi nila. Kesyo wala na daw pera, mataas na daw ang bilihin, nagmahal na daw ang cupnoodles, kesyo mataas na daw ang shiitake, at kung anu ano pang nagsitaasan, dyus ko po day! sabi sila ng sabi ng ganun, samantalang silang dalawa, kada aalis, puro LAMPARA ang dala dala pag uwi!Bili sila ng bili.

Lintik yan! gusto pa atang talunin si Aladin! sa dami ng lampara nila!!

Kung pwede lang sana mag wish dun sa mga lamparang yon, habang wala sila!
kikiskisin ko lahat yon!  tapos sasabihin ko,
"JINI, gawin nyo pong taong buhangin yung dalawang yon!!":big laugh:
ha ha ha ha!! nang hindi na makauwi sa bahay!!
------------------

Sa tuwing mama malengke naman yung byanan kong babae, bago lumabas ng bahay, aba! todo make up talaga ang loka loka! ayan si blush on, lipstick, mascara, me pa eye shadow eye shadow pa yun, hindi magkanda uga uga sa harap ng salamin!! mag lo lotion pa sa kamay yun. haneeeppp!! talaga.
Kala mo magsasagala sa loob ng super market!! tag pi pisong negi lang naman ang bibilin!!

------------------

Ito pa isa, Umaga, naglilinis ako ng kwarto namin, nagtapon ako ng can ng coffee sa beranda. Pag hawak ko ng plastic ng basura, biglang me nagsalita,
kala ko si SanPedro na, yun pala (yung byanan kong lalaki)..

"Hindi ba tapunan ng basura ngayon?!!" , sabi nya.
kahit nakakainis, nanahimik ako. (kasi sat nun, wala naman talagang tapunan ng basura)papansin lang talaga sya, ganun lang.

Tapos non,kumuha ako ng yelo sa ref kasi iinom ako ng tubig, pagkahawak ko pa lang, bigla nanaman me nagsalita

" Nilalagyan ba ng tubig yung gawaan ng yelo dyan??!"
nagulat ako! aba! me kasunod papala, syempre kahit inis na ko, tumahimik uli ako, napakamot nalang sa ulo dahil nabu buwisit na ako paunti
unti. Zutto kasi syang nakatingin sa akin.

Pumunta ako ng banyo, kasi maghuhugas ako ng kamay, aba , me nagsalita nanaman..

"Yung mga buhok dyan! ang dami dami parati!!!"

Grabe talaga !!! nung araw na yon, sa sobrang asar ko, ramdam na ramdam ko yung ugat sa ulo ko parang napigtal ata yung dalawa! dyus ko po, anu ba namang buhay ang binigay nyo sa akin, (sabi ko sa sarili ko)... ayoko na....

simula non,araw araw, natutunan kong mag patay malisya sa lahat ng sinasabi nya, wala akong naririnig, at hindi ko din sya nakikita, sa tuwing kinakausap ako, isa lang ang sinasabi ko parati sa kanya --SHIRANAI!! kahit anung tanung nya sa kin yun lang ang sagot ko, wala nang iba.

Siguro, nakahalata si gago, Nag bago bigla ang ihip ng hangin! .. Ang siraulo, biglang bumait sa akin..

Ako namang si gaga, nagulat bigla, parang
"Helleeerrr...An u ba tong nakikita ko ..nanaginip ba ako? totoo ba to? parang hindi ako sanay...  anu to?.. ayoko ng ganito.hindi bagay..."

Pagkalipas ng dalawang linggo, Ang hanging amihan po.. ay biglang naging hanging habagat nanaman.
Ayan nanaman sya, naghahasik nanaman ng kabuwisitan sa akin.
Nag ipon lang pala ng lakas.
---------------------
Gabing gabi, hindi ko alam kung nagpapatawa sya sa sarili nya o anu . Galit na galit, hinahanap nya yung suklay nya. Yung dating pa ng pagkakasabi nya eh parang me pinagbibintangan! "Me gumalaw daw kasi."
nawawala daw dun sa pinaglagyan nya!, sa isip isip ko naman,
"tan**inanto , ang lakas ng loob maghanap ng suklay! wala namang buhok!!!!"
ha ha ha ha
----------------------

kwento ko naman po yung sa asawa ko. (todo na to!!)
Minsan namili kami sa supermarket, tapos paikot ikot kami sa isang corner na para bang hindi sya mapakali, parang me gustong bilin na hindi ko naiintindihan, sabi ko " Anu ka ba!?" kanina pa tayo paikot ikot dito!!
Sabi nya sa kin, "Kasi parang ang sarap nung potato chips, gusto ko bilin kaso ang mahal." sabi ko naman, "Magkano ba?"

Sabi nya 150?! sabi ko -- "150en?? mahal?? hay!naku! lumayo ka sa kin , nakakahiya ka!!"  ha ha ha ha!!!

-----------------------
Last na to, yung anak ko naman..(1yr10months) bili ako ng bili ng mga libro pangbata, pero sa tuwing babasahan ko ng libro, parati syang nakapikit, parang ayaw tignan yung mga tinuturo ko sa kanya. 

minsan nakita ko, nagbubuklat mag isa, tinabihan ko ngayon, tapos tinuro ko "RIN-GO", sabi ko. aba, nilipat nya kaagad sa ibang page, syempre ako naman, binasa ko uli, sabay hindi pa ako tapos magbasa, nilipat nya uli sa ibang page, hanggang sa nawalan na nang gana, itinapon na yung libro.

Lintik!! Parang ayaw mag aral.

Minsan pinanuod ko naman sya ng Dvd - Nursery Rhymes and Numbers,nagulat ako! biglang nahimatay!,
tapos nung pinaupo ko parang hinang hina yung katawan nya, na para bang hindi na nya makayanan lahat nung mga nakikita nya! sabi ko, Anu ba tong batang to??!! Anung bang parusa ang ginagawa sa akin?... hu hu hu hu
----------------------

Salamat po sa pagbabasa, na i stress nanaman kasi ako eh..
Kaya nakakapagsulat ako ng mga ganito..Gusto kong libangin sarili ko..
Hindi ko nga alam kung nasisira na ang ulo ko eh....
sige hanggang sa susunod na lang po uli. bye bye.
__________________


Author,AerokawaiiAya

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=11422.0

orChids

  • GURU
  • ****
  • avatar_18 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 8029
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • kirschblüte....I'll be back guys..am too busy.
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #1 on: April 04, 2008, 04:46:45 PM »
Ito pala 'yong una;


 Ang thread na ito ay para sa mga pinay na katulad ko na mayrong ibat ibang experience sa kanilang mga byanan. pwedeng
nakakatuwa (kung meron man?..)sa palagay ko wala!.. he he
nakakainis (ah, ito sigurado kong marami)
graveehh (as in grabe, over to the max)

Sisimulan ko na sa kin...
Naglaho ang buhay Thats Entertainment ko at Nagsimula ang kalbaryo sa buhay ko simula ng itira ako ng asawa(kong walang pang upa ng bahay)dito sa bahay ng nanay at tatay nya.

Noong simula, maayos ang lahat, mabait sila sa kin at ganun din naman ako sa kanika, Kung tutuusin para kaming isang larawan ng perpekto at masayang pamilya..

Pero, dan dan dan..paglipas ng ilang buwan..ayan na naglabasan na unti unti ang mga buntot,sungay at pangil nila. Lumabas na ang tunay na kulay ng dalawang satan dito.

Araw-araw na ginawa ng dyos, lahat ng kilos ko, gawin ko sa bahay na ito, parati
silang nakatingin sa akin, na para bang ako ang nagsisilbing sight seeing sa bahay nila!, kung minsan nga gusto ko ng magkabit nung salamin ng kabayo sa muka ko (alam nyo ba yon?)
yung para diretso nlang ang tingin ko, at hindi ko na sila makita. ha ha ha!!

Tuwing magluluto ako, sinasabi parati, kesyo mabaho raw (samantalang pritong itlog lang nman ang niluto ko), kesyo anu bang klaseng pagkain ba daw yung niluluto ko, matabang, hindi masarap, kesyo maalat.
Lahat na!! lahat na ng pwedeng ipintas sa luto, sinabi na nila lahat. 

Mahilig din sila manumbat! lahat ng ginagawa nilang tulong sa min, lahat na sinumbat nila. Siguro kung bawat sumbat nila eh mahuhulog na piso sa bunganga nila, eh siguro naka ipon na ako ng 500 ka lapad, sa kakasumbat nila!

Minsan bumili kami ng asawa ko ng 2litro na coke, pag uwi namin nakita nila, nagalit sila kaagad, (dahil lang sa dalawang litro ng coke)

Ang hilig pang maki alam sa mga ginagawa namin, at ang pinaka gravehh talaga eh yung pumapasok sa kwarto ng hindi kumakatok sa pinto.
Grabe talaga yong mga yon!feeling nila, pintuan ng ref yung binubuksan nila, na sa tuwing gusto nila buksan, eh gagawin nila.

Pag nag aaway nga kami ng asawa ko, aba! ang nanay nya, biglang pumapasok sa loob ng kwarto, na halos kasing bilis ni Capt.Barbel kung dumating! Imibis na dalawa lang kaming nag uusap ng asawa ko, magiging tatlo , apat na kami.

Pero minsan, pag sa harap ng ibang tao, ang babait nila talaga, na para ba silang mga angel na magkakandung sa yo, sa napapagod mong puso..

Pero wag ka, kapag nakatalikod na ako, ayan na! biglang nagbabago ang anyo nila na parang mga Halimaw na kalalabas lang ng banga! 

Nakaka buwisit pa nga minsan, nasa lamesa kami ng asawa ko,kumakain, magkaharap kami, tapos yung byanan kong babae, nasa
sofa, nanunuod ng tv. Bawat tawag ko sa pangalan ng asawa ko, sya ang lumilingon eh,ang mata nya nasa TV, pero ang tenga
nya nasa akin. Hanep talaga yon! hindi kapani paniwalang tao. 

At ang pinaka malupit sa lahat, as in to the highest level na ginagawa ng halimaw sa banga dito , ayaw nyang ibigay sa min yung bankbook ng asawa ko. Sya daw ang maghahawak,. Hindi naman nya kinukuhaan ng pera (infairness), pero tingin naman sya ng tingin, maya maya.

Ayaw nyang hindi sya updated sa kung magkanu ang sweldo ng asawa ko, magkanu inilalabas naming pera, kung magkanu binabayaran namin sa creditcard, keitai, etch etch.

Pagkatapos nyang tignan, maiinis na sya . Magsisimula nanamang magreklamo.

Maraming marami pa akong gustong isalaysay kaso, masyado na atang mahaba tong sulat kong ito, pasensya na po.
Sana nag enjoy kayo sa kwento ko, share naman din kayo ng story nyo, para hindi ko naman maisip na nag iisa lang
ako na nakakaranas ng ganitong kalbaryo...

stardust

  • INTERN
  • **
  • Posts: 519
  • Bleach Fanatic
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #2 on: April 04, 2008, 04:47:49 PM »
paita sad nang iyang life te uy.. :(

pero no doubt pinay jud xa coz she still knows how to laugh her problems.  ;)

ako adto?! hay ayaw nalang.. >:(
Believe... Have FAITH...

orChids

  • GURU
  • ****
  • avatar_18 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 8029
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • kirschblüte....I'll be back guys..am too busy.
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #3 on: April 04, 2008, 04:52:03 PM »
Yes,mao ni kasagaran life sa japan,specially kauban nimo imong in-laws.I like her kay katawa lang jod sya bisan sa mga asungot nga nagpalibot.

stardust

  • INTERN
  • **
  • Posts: 519
  • Bleach Fanatic
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #4 on: April 04, 2008, 04:56:28 PM »
halah noh.. pait jud basta dili ikasinabot ang biyanan, maka pangaji nalang tag di dapat.. :(

orChids

  • GURU
  • ****
  • avatar_18 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 8029
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • kirschblüte....I'll be back guys..am too busy.
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #5 on: April 04, 2008, 04:57:55 PM »
 MONSTER-IN-LAW (PART3)

--------------------------------------------------------------------------------

Mga friends, Im back again, para sa part3 ng MONSTER-IN-LAW
Napaka hirap talaga tumira kasama ang mga in-laws.
Nakaka stress, dito ko na nga lang ibinubuhos sa TF lahat ng stress
ko, recently nagkagulo gulo pa.
Anyway..
Umpisahan ko na uli ang kwento

Itong byanan kong lalaki, minsan kinausap ako. Seryoso pa ang muka nya, Kala ko naman kung anu nang sasabihin , wala naman palang ka kwenta kwenta, pinag init lang nya ang ulo ko. Ganito ang conversation namin.

otousan : Sa tuwing tatawag sa yo sa keitai ang ate mo at nanay mo ,
wag kang magtatagalog.kailang an nihongo ang salita nyo.

ako : Haa?? bakit? anu pong ibig nyong sabihin??

otousan : Mag nihongo kayo, kasi naririnig ng bata yung tagalog.

ako : Bakit ko kailangan magsalita ng nihongo? eh pilipina kausap ko?!
Firipinjin po kami.


otousan : Baka marinig ng bata ang tagalog, matuto pa magsalita ng tagalog
yan! kailangan nihongo lang !!


aba, uminit ng uminit ang ulo ko Pero nagpipigil pa rin ako, kasi kailangan ko
ko syang galangin , isa kasi syang malaking letse sa bahay na yon.
sabi ko sa kanya.

ako : Mag ni nihongo lang ako sa lahat ng kausap ko sa tel, kung mag
e english ka sa lahat ng kausap mong hapon !!!

ha ha ha , sumagot ba naman nagalit.

otousan : bakit ko kailangan mag english ? eh nihonjin kami!!!

sagot ko sa kanya, "bakit ko kailangan mag nihongo?! eh pilipina kami!!"

Nanahimik ang gago.
Lintik yon, inaksaya nya ang oras ko, para lang sabihin sa akin yon.
Ngayon , na realize ko , na habang nag papa api ka, lalu ka nilang aapihin, kaya
fight ! GO GO GO! SAGO !!!


SCENE 2

Minsan, sinundo namin yung byanan kong babae, galing sa trabaho. nagkataon kasi yasumi ni hubby. Pero bago kami pumunta sa nanay nya, bumili muna kami ng isang box ng mr donuts kasi tabetai daw si hubby, aba! sabi nya
kailangan daw naming itago yung donuts sa loob ng trunkng kuruma (tama ba spell ko?) kasi pag nakita daw ng nanay nya magagalit,
sabi ko "anu ba naman yan! sabihin mo sa nanay mo maglaho na sya sa mundo" ang laki ng problema nya!!

aba, at nagkatutoo nga ang sinabi ng asawa ko,nung araw na
yon pumunta kami ng mall kasama nanay nya hindi sinasadya, nawala sa isip ng asawa ko, binuksan nya yung trunk ng kuruma,kasi ilalabas nya yung baby car ng anak ko. hala! nasilip ng nanay nya yung binili naming donuts, aba, nagalit! biglang hinay blood!
na para bang gumawa kami ng walang kapatawarang krimen! nag sisigawan sila sa Parking lot ng mall nakakahiya talaga.
sabi ko "anu bang pinag aawayan nyo?" (kunwari wala akong alam)
sabi ng asawa ko "tong put**inang taong to eh! reklamo ng reklamo"!
imbis na awatin ko sila, natawa akong bigla.
ha ha ha (bahala kayong magsabong dyan!) ha ha ha


SCENE 3

Ito namang asawa ko , hindi masyadong mahilig mamintas, minsan me pinaaabot
sya sa akin,eh hindi ko maabot kasi matass (eh maliit lang ako).

sabi nya, tumuntong ka sa silya, pag tuntong ko naman, diko pa rin maabot, sabi nya
"bakit nanaman"?
sabi ko hindi abot ng kamay ko eh!

aba, sumigaw ba naman, sabi nya "ang ikli kasi ng kamay eh"

Sa sobrang pagkabigla,nag init ang ulo ko, sabi ko sa kanya
"Hoy gago!! kung gusto mo ng mahabang kamay, asawahin mo unggoy!! wag ako!!"

ha ha ha ha
sabi ng asawa ko, siraulo daw ako, hindi daw nya kayang pumatong sa ibabaw
ng unggoy !!! ha ha ha ha


Maraming marami pang mga nakaka asar na bagay dito sa loob ng bahay ang pinag gaga gawa nang dalawang siraulo kong byanan.

Biruin nyo ba naman, tanghaling tapat, oras ng pagtulog ng bata (at tulog ko na din minsan) he he
bigla ba namang maiisipang mag vaccum ng byanan kong lalaki. At ang highlights pa ng pag va vaccum nya, ay sa harap ng pinto ng kwarto namin. Dun sya
nagtatagal, feeling ko nga , "ano ba tong harap ng pinto namin"?, hindi naman siguro puro buhangin ang nakalagay dito, para mag vaccum ng matagal! halata mo talagang nananadya.

Nagagalit pa sya pag sarado ang pinto namin, parati nyang sinasabi, natutulog daw ako.Helleeer !!! napaka lawak ng pag iisip nya, at sobra syang nakakatuwa sa paningin ko !!!

Parang wala na akong karapatang magsara ng pinto. Hindi sila mapakali, kapag nakasara ang pinto. Sabi ko nga sa asawa ko, tanggalin na lang yung pinto sa kwarto namin, para mapanatag na ang pag iisip ng nanay at tatay nya.


Ito namang byanan kong babae, nagalit nung gabi. Sinabi lang sa kin ng asawa ko.
Nagalit daw yung nanay nya kasi yung termos daw kaunti na lang ang laman.
(actually ako lang naman kasi ang gumagamit non, para sa gatas ng anak ko)
maubos man sya, ako ang ma mumroblema, hindi sila.

Sabi ko naman, bakit sya magagalit, atarimae lang na maubos yung tubig kasi ginagamit ko yan araw araw. Sabihin mo sa nanay mo, magalit sya, kung walang gumagamit ng tubig tapos biglang maubos. !! maiintindihan ko ang galit nya!!
(letse talaga yon) gusto lang nyang magalit. Hindi kasi sya sanay nang hindi nagagalit sa
isang araw, kaya gagawa at gagawa sya ng mga kaparaanan nya, kahit sa mga
walang ka kwenta kwentang bagay.


Minsan, gabi, nag away kami ng asawa ko, nasa loob kami ng kwarto, nung matapos yung sagutan namin , nauhaw ako,kaya binuksan ko yung pinto ng kwarto(dahil pupunta ako ng kusina). Aba , nakita ko sa gilid ang nanay nya
nakikinig. Tapos nung makita siguro ako na papalabas na ng pinto, dahan dahang tumakbo papalayo, na animoy yung tatlong daliri lang ng paa nya ang sumasayad sa sahig! imaginin nyo kung anung itsura non!!!
Nagulat ako talaga ako!.

Obvious na obvious sya! hindi man lang nagkunwari o umarte man lang na kunwari nagpupulot ng basura sa gilid, o kaya me kinuha lang na gamit sa
tabi, tapos naglakad na lang na parang walang nangyari.

Grave sya. Hindi kapani paniwala ang mga pinag gaga gawa!! Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.
natatawa ako (sa itsura ng takbo nya)
naiinis naman ako (kasi masyado syang tsismosa)

Nung unang kita ko pa nga, nagulat ako eh,kasi madilim na, patay na lahat ng ilaw. kala ko me aswang eh ! kaya yung kabog ng
dibdib ko non grabe, nung mapagtanto ko (tae pala)ay este! Nagkukunwaring tao!!


Isa pa, yung kaisa isa kong anak na lalaki, ang kamuka pa eh yung byanan kong lalaki!!!
dyus ko po,kapag binibiro ka naman talaga ng tadahana,
sabi pa ng asawa ko, sundan na daw namin ng babae, para daw me kalaro yung anak namin. sabi ko naman.
Wagna ! baka paglabas, kamuka naman ng nanay mo! ayokoooo naaaa!!! tigilin nyo na ako!!



Maraming marami pa akong iku kuwento sa susunod.Hindi ko kasi lahat mai lagay dahil masyadong mahaba. Pero
salamat po uli sa pagbabasa, nag lalabas lang po ako ng sama ng loob ko.


orChids

  • GURU
  • ****
  • avatar_18 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 8029
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • kirschblüte....I'll be back guys..am too busy.
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #6 on: April 04, 2008, 04:58:50 PM »

ako star wala o nakapangadye,akong gibatbat ra,hapit tawon maipit ang akong sis in-law sa pultahan,hahahaha

Bambi

  • GURU
  • ****
  • avatar_375_1353877539 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 7295
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Life is hard but a perfect dream to live on....
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #7 on: April 04, 2008, 05:45:24 PM »
Dear Orchids, Got no doubt about the  sense of your horror dreams.  Take it easy, ignore and relax!  Life outside Philippines is more harder.  Be strong!

orChids

  • GURU
  • ****
  • avatar_18 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 8029
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • kirschblüte....I'll be back guys..am too busy.
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #8 on: April 04, 2008, 05:46:21 PM »
Thank you Bamz,I will.

stardust

  • INTERN
  • **
  • Posts: 519
  • Bleach Fanatic
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #9 on: April 06, 2008, 07:43:02 PM »
ana jud te! GO GO GO! SAGO! hehehehe... lingaw jud ka gasunod aning imong post te ;D

orChids

  • GURU
  • ****
  • avatar_18 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 8029
  • medal1 - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
  • kirschblüte....I'll be back guys..am too busy.
    • Share Post
xx - Funny but real stories - Anonymous Diary Blog
Re: Funny but real stories
« Reply #10 on: April 06, 2008, 07:44:49 PM »
hay star,ang kinabuhi sa Japan dili rising sun,rising wrinkles. ;D



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal