Eksam
farimz
Kahit ‘di ay pinapawisan
Kahit ‘di gutom kumakalam ang t’yan
Hindi talaga maintindihan
Ang nararamdamang ‘di pangkaraniwan.
Tuwing eksam ito ang nangyayari
Lalo na’t walang nabasa noong nakaraang gabi
Kaya ‘di talaga nag-aatubili
Na tumingin sa papel ng katabi.
Kung ang katabi ay hindi namamansin
Pilit itong kakalabitin
Kulang nalang ay tusukin
Sa hawak-hawak nitong bolpen.
Tuwing eksam ito ang pinagkakaabalahan
Ng mga estudyanteng walang alam
Kung bumagsak ay nag-aalburuto
Titser pa ang sinisisi, ‘di raw inayos ang pagturo.
Hay! Mga estudyanteng walang pakialam sa buhay
Walang ibang alam kun’di tagay
Tandaan magulang ayaw na anak ay matangay
Sa agos na may masamang taglay.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=25869.0