Iba na talaga
farimz
Malayo na talaga ang pagkakaiba
Ng mga dalaga noon at ngayon.
Noong una'y 'di makabasag pinggan
Ngayo'y ibang-iba na
Noong una'y may tali sa bibig
Ngayo'y tali nito'y natunaw nang ibig
Noo'y papatay-patay
Ngayo'y balat kalabaw na
Noo'y binuo sa isip ang mga pangarap
Ngayo'y hinuhukay ang sariling libingan.
Noo'y ihahatid sa dambana
Bago makatabi sa asawa
Ngayo'y kahit sa tabi-tabi
Pwede na basta't may pera.
Ako'y nalilito
Kung bakit buhay ng karamihang dalaga
Ngayon ay nagbago na
Iba na talaga.
Ayon pa nga sa mga along na ang baba
Abot-dili sa panahon ngayon
Kapag hindi natin ito pipigilan
Ito'y lalala pa.
mis. farimz