Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - "Salamat po." - Bible Study

normal_post - "Salamat po." - Bible Study Author Topic: "Salamat po."  (Read 1158 times)

slackware

  • LUMINARY
  • ***
  • avatar_95 - "Salamat po." - Bible Study
  • Posts: 4033
  • "Die as a hero or live long enough as a vallain?"
    • Share Post
xx - "Salamat po." - Bible Study
"Salamat po."
« on: July 06, 2007, 01:17:08 PM »
"Salamat po."

Isang bagong-saltang kaluluwa ang umakyat sa langit

ang ngayon ay nakaharap kay San Pedro. Namasyal silang

dalawa sa langit. Magkahawak-kamay silang

naglakad-lakad sa isang malaking silid doon na puno ng

mga anghel.

Huminto si San Pedro sa harap ng isang lupon ng mga

anghel at nagsalita, "Ito ang silid-tanggapan. Sa

silid na ito, tinatanggap lahat ng mga kahilingan sa

panalangin."

 

Pinagmasdan ito ng kaluluwa, at nakita nitong abala

ang lahat sa pag-uugnay-ugnay ng mga kahilingan na

nakasulat sa bunton ng mga papel na galing sa buong

mundo.

 

Nagpatuloy silang maglakad hanggang madaanan nila ang

pangalawang lupon ng mga anghel. Ang wika ni San
 Pedro

sa kaluluwa, "Ito naman ang 'Packaging at Delivery

Section'. Dito, ang biyaya at mga pagpapala na

hiniling ng mga tao ay binabalot at dini-deliver sa

mga tao na humingi noon."

Nakitang muli ng kaluluwa kung gaano ito kaabala.

Maraming anghel doon ang talagang subsob sa trabaho sa

dami ng mga pagpapalang hiniling at dini-deliver

araw-araw sa lupa.

 

Hanggang sa dumako sila sa huling lupon, sa

pinakamalayong lupon. Huminto ang anghel doon sa

isang maliit na lupon. Sa kanyang pagkamangha, iisang

anghel lamang ang nakaupo doon, walang ginagawa.

"Ito ang 'Acknowledgement Section," sabi ni San Pedro.

 

"Bakit tahimik? Wala ba silang ginagawa rito?"

 

"Nakakalungkot," sagot ni San Pedro,"pagkatapos

makatanggap ng sagot sa kanilang mga panalangin ang

mga tao, kakaunti ang nagbibigay ng pasasalamat."

 

"Papaano ba magbibigay ng 'acknowledgement' ang mga

tao sa Diyos?"

"Simple lang. Sabihin mo lang na "Salamat po

Panginoon."

 

"Ano bang pagpapala ang dapat nilang ipagpasalamat?"

 

"Kung may pagkain ka sa iyong hapag-kainan, damit na

sinusuot, may bahay na tinutuluyan at kamang

tutulugan, ikaw ay mas mayaman sa 75% sa mundong

ito.

 

"Kung may salapi kang naiipon sa iyong pitaka at may

natitira pang pambili ng pagkain, ikaw ay isa sa 8% na

may mga kabuhayan sa mundo.

 

"Kapag nakuha mo ang mensaheng ito sa iyong computer,

bahagi ka ng 1% sa mundong ito na may ganyang

oportunidad.

 

"Kapag gumising ka sa umagang ito na walang sakit, mas

pinagpala ka sa milyong tao sa mundong ito na hindi na

makagising dahil sa hirap ng buhay.

"Kung di mo nararanasan ang takot sa gitna ng giyera,

ang kalungkutan sa loob ng piitan, ang pasakit ng mga

pagsubok, at ang pangil ng pagkagutom, mas malayo ka

nang milya-milya sa 700 milyong tao na nabubuhay sa

mundo.

 

"Kung buhay pa ang iyong mga magulang at nananatiling

magkasama sa bisa ng kasal, kakaunti lang kayo.

 

"Kung naititingala mo pa ang iyong ulo nang may ngiti

sa iyong mga labi, hindi ka kasama sa karamihan.

Naiiba ka kaysa sa kanila na puno
 ng kapighatian at

mga kagulumihanan."

 

Tanong ng kaluluwa, "Kung gano'n, papaano ako

magsisimulang magpasalamat?"

 

"Kung nababasa mo ang mensaheng ito, nakatanggap ka na

naman ng dobleng pagpapala, dahil may isang nagpadala

sa iyo na iniisip na espesyal kang nilalang, at mas

pinagpala ka kaysa sa dalawang bilyong mga tao sa

buong mundo na hindi marunong magbasa . . .

"Pagpalain ang araw mo, bilangin mo ang iyong mga

pagpapala, at kung ibig mo, pagpalain mo rin ang mga

tao sa iyong paligid upang malaman din nila kung gaano

sila pinagpala ng Panginoon.

 

ATTN: Acknowledgement Department: "Salamat po,

Panginoon. Salamat po sa pagbibigay mo sa akin ng

abilidad na ibahagi ang mensaheng ito at sa pagbibigay

mo sa akin ng mabubuti at magagandang tao na

babahaginan nito!

"Salamat po."

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=2406.0
"All that is needed for evil to succeed is, that decent human beings doing nothing". (Edmund Burke)

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Booking.com

Latest Topics

The Sayings of the Buddha by balong
[Today at 02:07:19 AM]


Tidiness tatty output instruction by DominizGlize
[Yesterday at 11:10:13 PM]


The Last Good Senator by islander
[Yesterday at 06:54:38 PM]


PCIJ on ‘Oust-Duterte plot’: Wrong report, on many counts by islander
[Yesterday at 06:15:50 PM]


On Jim Paredes and Apo Hiking Society by islander
[Yesterday at 05:17:38 PM]


Italian takeout and delivery-only eatery by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 03:49:27 AM]


Pre-eminence cheap output medicament by Zraigcam
[April 24, 2019, 01:15:33 PM]


Tidiness stingy product instruction by Jazesson
[April 24, 2019, 12:54:07 PM]


Improve Patient Experience by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:40:53 PM]


Spine Clinic in America by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:39:06 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal