normal_post - Typhoon Sendong and Storm Ondoy - Philippine Archive Author Topic: Typhoon Sendong and Storm Ondoy  (Read 532 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Typhoon Sendong and Storm Ondoy - Philippine Archive
  • Posts: 24756
  • medal1 - Typhoon Sendong and Storm Ondoy - Philippine Archivemedal2 - Typhoon Sendong and Storm Ondoy - Philippine Archivemedal3 - Typhoon Sendong and Storm Ondoy - Philippine Archive
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
clip - Typhoon Sendong and Storm Ondoy - Philippine Archive
Typhoon Sendong and Storm Ondoy
« on: February 09, 2020, 12:50:23 PM »
Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change
ni Lucia F. Broño
QUEZON CITY, Enero 31, 2012 (PIA) -- Malalim ang dagok na idinulot ng bagyong Ondoy na muling pinaalala ng bagyong Sendong kaya’t sa nakaraang pulong ng Metro Manila Council, isang resolusyon ang kanilang binuo at pinirmahan upang matugunan ang hamon ng climate change.

Nakapaloob sa resolusyon na magsasagawa ng kanikanilang action plan ang lahat ng Metro Manila (MM) mayors upang maiwasan at mabawasan ang mga pinsalang dulot ng kalamidad sa kabuhayan, propiedad at buhay ng tao.

Ang action plan ay kanila ding tugon sa payo ni Climate Change Commission (CCC) Secretary Mary Ann Lucille Sering na kanilang naging resource person sa pulong na iyon.

Ipinaliwanag ni Secretary Sering na sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 9729, ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) ang dapat nangunguna sa pagbabalangkas, pagpaplano at pagsasagawa ng climate change Action plan sa kanikanilang lugar. Ito ay alinsunod sa probisyon ng Local Government Code ng National Framework Strategy on Climate change at ng National Climate Change Action Plans.

“Ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay maaaring humingi ng technical at financial assistance mula sa national government sa pagsasakatuparan ng kanilang action plan,” dagdag ni Sering.

Pahayag naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa isang panayam. “Bilang tugon sa hiling ng Climate Change Commission, ang mga LGU ay babalangkas ng kanilang action plan alinsunod sa National Climate Change Action Plan, na siyang roadmap for climate change adaptation and mitigation ng ating pamahalaan.”

“Amin pong tinalakay sa MMC ang karagdagang pakikiisa at pakikilahok para sa pagtugon sa tawag na mapagaan ang mga problemang dulot ng climate change,” dagdag pa niya.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92124.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

*SET UP YOUR OWN blog, business or personal website, or online store at www.wirenine.com



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

Sign-up or Log-in Free

 
 
Welcome, Guest. Please login or register.
SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal