Author Topic: Transparency in Oriental Mindoro  (Read 422 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33285
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Transparency in Oriental Mindoro
« on: February 23, 2020, 03:28:37 PM »
Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad
ni Louie Cueto
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 31, 2012 (PIA) -- Upang higit na masigurong may ginagawa at natatapos ang trabaho ng bawat tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa buong isang linggo, higit ngayong pinag-iibayo ang ‘transparency’ sa bawat tanggapan sa kapitolyo sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagdalo sa regular na pagpupulong ng mga hepe at punong dibisyon.

Ang pagpupulong na regular na pinangungunahan ni Provincial Administrator Angel M. Saulong bilang presiding officer, kasama sina Executive Assistant Dr. Marpheo Marasigan at Organizational Development Consultant Dr. Nelson Buenaflor ay bilang pagsunod na rin sa atas ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. na magkaroon ng tuwing ikalawang linggong pagpupulong ang mga department head, division chiefs at program implementers. Ito ay upang regular na makapag-ulat ng mga nagawa ng kani-kanilang tanggapang nasasakupan at mapag-usapan ang mga pinakahuling suliraning kinakaharap ng mga ito at estado ng ginagawang karampatang solusyon para rito.

Sinisiguro ng gobernador na kahit wala siya sa lalawigan ay maayos na napapadaloy ang mga serbisyo ng bawat tanggapan at kaagad niyang nalalaman sa pamamagitan ng mga isinusumiteng weekly accomplishments ng mga ito at ang mga pinakahuling ipinatutupad na programa at proyekto ng bawat tanggapan.

Kamakailan lamang ay ibinaba ni Saulong ang mahigpit na panuntunan na dapat sundin upang siguruhing mabibigyan ng sapat na oras ang pagdalo rito sa pamamagitan ng pagpapataw ng multa sa mga mahuhuli sa pagdalo at hindi makadadalo rito.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92200.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: