Author Topic: Tourists in Ilocos Norte  (Read 699 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33323
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Tourists in Ilocos Norte
« on: April 10, 2020, 01:44:48 PM »
ni Cherry Joy Discaya
LAOAG CITY, Jan. 1 2012 (PIA) -- Mistulang Luneta sa dami ng tao ang paligid ng Provincial Capitol ng Ilocos Norte pagsapit ng gabi sa pagdagsa ng mga lokal na turista.

Naglalakihan at naggagandahan kasi ang tanawin sa paligid nito, lalong-lalo na ang pagningning ng mga ilaw na nakasabit sa lahat ng sulok ng kapitolyo.

Ang kapitolyo mismo ay maituturing nang agaw-pansin sa pagkakaroon nito ng dim-spot light na nakatutok sa kabuuan nito pagsapit ng gabi. Nakakaengganyo itong pagmasdan.

Sa mga puno naman, may mga nakasabit ding korteng ibon na malalaki na siyang nagsisilbing ilaw sa palibot ng kapitolyo. Sila ang nagbibigay liwanag sa kabuuan nito.

Sino naman ang hindi maaaliw sa mga higanteng halaman na ang mga dahon nito ay umiilaw, nakapuwesto ito sa magkabilang gilid ng kapitolyo. Mga higanteng halaman na para bang nananahon ng kulay lilac na diyamante sa kislap.

Hindi ka din maliligaw ng oras habang namamasyal ka dito sapagkat may built-in giant clock na hinulma gamit ang ‘garden soil’ at ‘bermuda’ glass. Sa paligid nito’y may mga bulaklak na eksakto para sa picture taking.

Ang kambal naman sa ‘fountain’ sa harap ng kapitolyo na may sukat halos dalawampung talampakan (20 feet) ay nakakapagparelaks sa buong katauhan sa tunog na agos ng masagang tubig nito.

At nalulula naman ang mga tao sa higanteng ‘Christmas Tree’ na tinatayang may sukat na mahigit-kumulang dalawampu’t anim na talampakan (26 feet), dinesenyuhan ito ng mga bulaklak na korteng poinsettia at nakabitan ng mga ilaw na mistulang naghuhulugan.

Lahat ng bumibisita dito ay kakikitaan ng galak at pagkamangha sa larawan ng kapitolyo. Karamihan sa kanila ay nangunguha ng litrato.

“Hindi mo talaga maiiwasang hindi tumigil at kumuha ng picture kapag napadaan ka dito, maliban sa maliwanag dahil sa dami ng ilaw, napaka-relaxing at maluwang ang paligid, tamang-tama para sa bonding ng pamilya,” patunay ni Jennifer Ramos sa kanyang pamamasyal kasama ang kanyang pamilya.

* Stay at Home and START YOUR OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.wirenine.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92535.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: